What's new

Daily Bread (January 14 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"LOWBAT KA NA BA?"
( PANAGHOY 3:55-58)
55 “O Yahweh, tinawag ko ang iyong pangalan nang ako'y nasa kailaliman ng balon; 56 narinig mo ang aking samo, ‘Huwag mong takpan ang iyong pandinig sa aking paghingi ng tulong!’ 57 Nilapitan mo ako nang ika'y tawagan ko; sinabi mo sa akin, ‘Huwag kang matakot!’ 58 “Tinulungan mo ako, Yahweh, at iniligtas mo ang aking buhay.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Ang ating devotion ngayon ay mula sa panulat ng aking kabiyak na si Lorna, ginamit siya ng Dios upang gawing guide ito sa aming unang araw ng 3day prayer and fasting ng church, introduction lang po ang aking kinuha..
ANG PANALANGIN AY KATULAD NG ISANG "CHARGER" NA GINAGAMIT KAPAG NA LOWBAT ang isang bagay na kailangang i-recharge! Kapag ito ay na-i-recharged na, ito ay muling magkakaroon nang buhay… ng power upang muli itong makabalik sa dati nitong lakas at muli itong magiging kagamit- gamit. Ngunit kapag ito'y pinabayaang hindi i-recharge, hindi na ito magpa-function pa at tuluyan na itong mamamatay at mawawalan na nang silbi.
Gayon din sa buhay natin na mga anak ng Diyos, kapag hindi natin tinulungan ang sarili natin na palaging manalangin, lalo na sa panahon na tayo ay may mga pinagdadaanang mahihirap na kalagayan, tulad ng gamit na kailangan i-recharge, ma-de-drain po tayo! Hanggang makita na lamang natin ang ating sarili na hinang-hina na tayo! Dahil ang kalakasan at katugunan na ating kailangan ay sa Diyos lamang natin matatagpuan at ito'y sa pamamagitan ng ating palagiang pananalangin.
Tulad ni Jeremias, noong panahon na siya ay nasa kagipitan tumawag siya sa Panginoon at dininig siya ng Diyos. Alam kong di lamang sa panahon ng kagipitan tumatawag si Jeremias sa Panginoon dahil sya ay isang propeta. Tiyak na lagi syang nakikipagusap sa Diyos! Ang pangunahing gawain ng isang propeta ng Diyos ay ang makipag-usap sa Panginoon para sa Kanyang mga kapahayagan. Ito ay palagian! Dahil ang "effective prayer," kung gusto natin na palagi rin tayong tugunin ng Diyos, ay kailangang palagi rin tayong nananalangin! Hindi kung kailan lamang may problema o pangangailangan.
Mga kapatid lagi po tayong magrechage sa pamamagitan ng pakikipagusap sa Dios sa panalangin at araw araw na pagbabasa ng Biblia, sa dami ng mga problemang ating kinakaharap madali po tayong nalolowbat kaya naman kailangan nating mag pa full charge kay Lord Jesus Christ, huwag tayong maging kampante na akala natin ay malakas pa tayo, tiyakin natin ang ating ugnayan sa Dios ng sa ganoon ay hindi po tayo malowbat.
Muli ang pagpapala at kalakasan ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top