What's new

Daily Bread (Friday june 4 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
HUWAG HUMATOL AT MAGPARUSA SA HALIP AY MAGPATAWAD..
( LUCAS 6:37)
“Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan. Magpatawad kayo at kayo'y patatawarin.
Muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios, mapagpalang araw po mga kapatid.
Laging may katumbas o katapat ang bawat gawa nating tao sa harap ng Dios.. Hindi kailanman mananaig ang kamalian at kasamaan sa kabutihan.. Tignan po natin ang sinasabi ng talata.. Una, Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan, ibig sabihin kung hahatol tayo tiyak na hahatulan din tayo.. Ang Dios sa pamamagitan ng Panginoong Hesu Kristo ang Siyang hahatol sa atin kung tayo ay pala hatol din sa ating kapwa, ayaw ng Dios na humahatol tayo sa ating kapwa, ang Dios lang ang may karapatang humatol. Lahat kasi tayo ay may mga kahinaan at kapintasan, ang Dios lang ang walang kahinaan at kapintasan.. Pangalawa, huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan, ano po ang ibig sabihin nito? Tayong tao ay madaling humatol at madali ring magparusa, siguro kung walang paalala ang Panginoong Hesus na huwag tayong magparusa lahat ng mga pagkakamaling nagagawa sa atin ng ating kapwa ay tutumbasan natin ng kaparusahan.. Maraming masasaktan at maaapi, at marami lalong mapaparusahan ng walang batayan. Sa batas ng tao maraming napaparusahan nang walang kasalanan. Subalit ang Dios hindi Siya magpaparusa ng walang dahilan.. Kapag inaral natin ang Biblia, pagkatapos ng paghatol ng Dios ay ang kaparusahan sa lahat ng mga taong hindi lumakad ayon sa kanyang katwiran.. At makatarungan ang hatol at parusa ng Dios.. Ito po ay naaayon sa ginawa ng tao na pagsuway, paglaban sa Dios at hindi pagsisisi sa mga nagawang pagsalangsang at kasalanan. Muli kung mayroon mang may karapatang magparusa ito ay walang iba kundi ang Dios. Subalit tayong mga anak ng Dios ay hindi na haharap sa paghatol at parusa.. (ROMA 8:1) dahil tayo ay tinubos na ni Kristo, binayaran na Niya ang lahat na ating mga kasalanan.. Kung tinanggap mo ang Panginoong Hesus bilang iyong Panginoon at tagapagligtas hindi ka na hahatulan at parurusahan sa araw ng paghuhukom.. At pangatlo, "magpatawad kayo at kayo ay patatawarin" Kung may nagkasala man sa atin, nakasakit o nangagrabyado at nasaktan tayo, ang sabi ng talata ay magpatawad tayo, huwag tayong magtanim ng galit, kundi ang gawin natin ay magpatawad.. Kung ang galit ng Dios ang kanyang paiiralin at hindi ang pagpapatawad, walang kahit isa sa atin ang maliligtas, pero dahil sa tayo po ay pinatawad, nagkaroon po tayo ng kaligtasan.. Lahat po tayo ay makasalanan at pinatawad lamang ng Dios kaya naman dapat tayo rin ay magpatawad... Upang mabuhay tayong kalugodblugod sa Dios gawin natin ang tatlong ito, huwag tayong humatol, huwag tayong magparusa, at magpatawad tayo..
Muli ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

by Pastor Ombie Lontoc


received_2286761764789918.jpeg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top