What's new

Daily Bread (February 9 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" HEBREO 4:12"
MAS MATALAS KAYSA ALIN MANG TABAK
"12 Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng puso."
Pagpalain po tayo ng Dios muli po tayong magnilay ng Kanyang mga Salita.
Ang pakikinig at pagbabasa ng Salita ng Dios ay may napakahalagang nagagawa sa ating buhay. Ito ay bumabago ng ating pananaw at prinsipyo sa buhay, nagtutuwid sa mga baluktot na paguugali at nag papakilala sa atin kung ano ang kasalanat kabutihan. Sabi nga ng talata ito ay mas matalas pa sa tabak na may magkabilang talim... Hindi matatago ang laman ng puso at isipan natin sa Salita ng Dios, sasaliksikin nito maging kasuluksulukang aspeto ng iyong buhay... Ang Salita ng Dios ay nagdudulot ng buhay, lumayo ka dito at tiyak na mapapahamak ka.. subalit kung lalakaran mo naman at ipamumuhay ihahatid ka nito sa kaaya-aya at matagumpay na buhay. Kaya nga huwag natin itong ilayo sa ating buhay sabi nga sa "(Awit 119:1-3)" Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay,kautusan ni Yahweh ang sinusunod araw-araw.
2 Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran, buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban;
3 ang gawain ay matuwid, namumuhay silang ganap sa kanyang kalooban ay doon sila lumalakad.
Mga kapatid patuloy po nating saliksikin at ipamuhay ang Salita ng Dios ipamana natin sa ating anak at mga apo. KAUHAWAN po natin ang Salita ng Dios.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylaman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.


Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top