What's new

Daily Bread (February 8 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ARAW ARAW KAILANGAN NATING KUMAIN"
( Josue 1:8)
"Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay."
ISANG mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli tayong magnilay tungkol sa Salita ng Dios.
ARAW araw kailangan nating maghanapbuhay, gumising ng maaga upang magtrabaho, ang unang dahilan ay dahil kailangan nating kumain. Hindi kasi tayo mabubuhay ng walang pagkain.. Sabi ng iba hindi ako mabubuhay ng walang wifi o cellphone pero sabi lang nila yon, ang talagang hindi tayo mabubuhay ay kapag hindi tayo kumain o walang pagkain. Ganon din naman pagdating sa espiritwal na kalagayan kailangan din nating pakainin ang ating espiritu, hindi maaring marami tayong ginagawang tungkol sa pang espiritual na hindi naman natin pinapakain ang ating espiriru... Mahirap magbigay ng wala naman sa atin, kaya naman kailangan nating pakainin ng Salita ng Dios ang ating espiritu araw at gabi ayon sa ating talata , at dumulog sa Dios sa panalangin. Wala tayong ibang mapagkukunan ng ating espiritual na kalakasan kundi ang Salita ng Dios at pakikipagniig sa Dios sa pamamagitan ng panalangin. Mga kapatid huwag lamang ang ating pisikal ang ating pakainin at palakasin, mas higit nating pagukulan ng pansin ang ating paglagong espiritwal, ito ang ating gawing pangunahing layunin bilang mga anak ng Dios.
Muli ang biyaya at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top