What's new

Daily Bread (February 7 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HINDI DAPAT IKAHIYA"
(Rom. 1:16)
Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya.
Mapagpalang araw po mga kapatid muli tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Maging Tiwala Tayo Sa Kanyang Kapangyarihan.Kasama natin ang Dios kahit sa ating pangangaral
(Isa. 41:10, MBB) Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.
Lucas 12:12 …ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin.”
Juan 17:20 “Hindi lamang sila ang idinadalangin ko; idinadalangin ko pati ang mga mananalig sa akin dahil sa pahayag ng aking mga tagasunod.
Mga kapatid, huwag tayong matakot, mahiya, mangamba na ipangaral ang Magandang Balita mula sa ating Diyos. Dalawa lang naman ang nakikita kong dahilan kung bakit natatakot na mangaral ang isang kristiano, takot dahil nahihiya at takot dahil hindi handa.Maging confident tayo sa Panginoon dahil ang tumawag sa atin upang mangaral ay totoo at hindi nang-iiwan, hindi nagpapabaya at hindi ka Niya ikakahiya kung hindi mo Siya ikakahiya. Alisin natin ang mga pag-aalinlangan sa ating buhay, magtiwala tayo sa Kanya. Muli ang pagpapala ng Diyos ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top