What's new

Daily Bread (February 6 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"PATAWARIN MO KAMI"
(MATEO 6:12)
"at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin."
MAPAGpalang araw po sa ating lahat narito po ang karugtong ng ating aralin tungkol sa pagpapatawad... Kasama po sa itinurong panalangin ng Panginoong Hesus ang tungkol sa pagpapatawad.." AT PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA KASALANAN, TULAD NG PAGPAPATAWAD NAMIN SA NAGKAKASALA SA AMIN" .. kung bubulayin natin itong mabuti ang pagpapatawad na makakamit natin sa Dios ay base sa sukat ng pagpapatawad natin sa iba, kung lubos ang pagpapatawad natin sa nagkasala sa atin ganap at lubos din ang kapatawarang igagawad sa atin ng Dios.
Ang kapatawaran ay madaling ibigay sa mga taong humihingi ng kapatawaran at nagsisisi. Ngunit sinasabi sa atin ng Bibliya na tayo ay dapat na magpatawad ng walang kundisyon sa mga taong nagkasala sa atin. Ang hindi pagpapatawad sa kapwa ay pagpapakita ng sama ng loob, kapaitan ng damdamin at pagtatanim ng galit, mga katangian na hindi dapat makita sa mga tunay na Kristiyano. Sa ating panalangin sa Diyos, hinihingi natin na tayo'y patawarin ng Diyos sa ating mga kasalanan, gaya rin naman ng pagpapatawad natin sa mga nagkasala sa atin (Mateo 6:12). Sinabi ni Hesus sa Mateo 6:14-15, "Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama." Kung ihahambing natin sa ibang bahagi ng Kasulatan na nagtuturo tungkol sa pagpapatawad ng Diyos, ang Mateo 6:14-15 ay nagpapahiwatig na ang taong hindi marunong magpatawad ay hindi pa nakaranas ng pagpapatawad ng Diyos.
Kung tayo po ay tunay na nakaranas at nabiyayaan ng kapatawaran ng Dios, biyayaaan din natin ng kapatawaran ang ating kapwa. Tandaan natin ang panukat na ginagamit natin sa ating kapwa ang siyang panukat din na igagawad sa atin ng Dios.. Malaya ka na ba sa poot at galit?
Dapat na humingi ka ng tulong at habag sa Dios na ikaw ay makalaya na sa pagkaalipin ng galit at poot.
Muli ang pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top