What's new

Daily Bread (February 3 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
ANG KABALISAHAN
(1 Pedro 5:7)
Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka’t kayo’y ipinagmamalasakit niya.
Magandang araw po sa ating lahat muli po tayong magninilay ng mga salita ng Dios.
Hindi maiiwasan sa isang tao ang mabalisa, normal po ito na nararanasan ng lahat lalo na kapag sumasapit sa panahon ng malalaking problema at pangangailangan.. Ang kakabit ng kabalisahan ay takot, kawalang pag asa at kalungkutan.. Hindi maganda sa pakiramdam ang pagkabalisa,... hindi makatulog, hindi makakain at laging nagiisip... Walang sinasabi ang Biblia na ang isang Kristiyano ay hindi makararanas ng kabalisahan, kahit tayong mga mananampalataya ay dumaranas nito at alam ito ng Dios, kaya nga ang sabi ng ating talata.. NA INYONG ILAGAK SA KANYA ANG LAHAT NG INYONG KABALISAHAN.. Maraming tao na kaya bumibigay, nagkakaroon ng anxiety at depression ay sapagkat pinipilit nilang dalahing mag isa ang kanyang kabalisahan... Napakalinaw ng sinasabi ng talata.. ILAGAK NATIN SA KANYA ANG ATING KABALISAHAN.. Huwag mong sarilinin.. dahil hindi iyo lang iyan, kasama mo ang Dios diyan sa lahat ng iyong daladala.. Huwag mong pasaning magisa ilagak mo yan sa Dios! Ano po ang sabi ng ating Panginoong Hesus sa (MATEO 11:28)
Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin.
Magpahinga ka kapatid, baka pagod ka na sa kapapasan ng iyong mga suliranin.. Ilagak mo yan sa Panginoong Hesus at ikaw ay Kanyang pagpapahingahin.. Nanghihina ka na ba? Natatakot ka ba at nanglulupaypay?.. may pangako ang Dios sa iyo...( ISAIAS 41:10) Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka’t ako’y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
tinutulungan pala tayo at inaalalayan ng Dios kapag sumasapit tayo sa matinding kabalisahan.. '"Ang problema lang ay hindi natin inilalagak sa Kanya ang ating Kabalisahan" ".. Hindi mo yan kayang magisa kapatid kailangan mo ang tulong ng Dios.." NAGMAMALASAKIT SIYA SA IYO".. hindi ka Niya kailanman iiwan o pababayaan. (DEUTRONOMIO 31:6) 6Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay siyang yumayaong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.... Hindi ka Niya iiwan o pababayaan.. Pangako ng Dios yan sa Kanyang mga anak. (JUAN 14:27) “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag mabagabag ang inyong kalooban at huwag kayong matakot..... Napakaraming pangako sa Biblia na hindi Niya tayo pababayaan,at iiwanan sa ating mga kabalisahan... kung ilalagay kong lahat dito ay hindi natin mapagkakasya ang napakaraming pangako ng Dios... Kaya huwag po kayong mabalisa at matakot dahil ang Dios ay hindi ka iiwanang nagiisa sa suliraning iyong pinagdaraanan.. ILAGAK MO ANG IYONG KABALISAHAN SA DIOS, SAPAGKAT SIYA AY NAGMAMALASAKIT SA IYO..
Muli ang kalinga at pagpapala nang Dios ay sumaating lahat, sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen..

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top