What's new

Daily Bread (February 26 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"GINAMIT ANG FREE WILL SA MALI"
(GENESIS 3:1-4)
3 Ang(A) ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Yahweh. Isang araw tinanong nito ang babae, “Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?”
2 Sumagot ang babae, “Maaari naming kainin ang anumang bunga sa halamanan, 3 huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; kung kami raw ay kakain nito, mamamatay kami.”
4 Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay! 5 Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama.”
Muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Sinamantala ng Diablo ang pagkakataon at tinukso niya si Eba na kumain ng bunga ng pagkakilala ng mabuti at masama. Bagamat mayroon silang free will nagpadala sila sa udyok at tukso ng Diablo. At dahil dito nagkasala sila sa harapan ni Yahweh ang kaisaisang utos na ibinigay ng Dios sa tao ay hindi nila nasunod dahil sa paggamit nila ng kanilang free will. Hindi po masama ang free will, nagiging masama lamang ito kapag ginamit natin sa pagpili ng kasalanan o mali. Kaya nga po magingat tayo sa paggamit ng ating free will, dahil ang Diablo ay laging nag aabang upang mahulog tayo sa kanyang bitag kagaya ng ginawa niya kay Adan at Eba.
Mga kapatid mayroon po tayong kalayaang magpasya, pumili at gawin ang lahat ng bagay na nais nating gawin, magingat po tayo at kilalanin natin kung ito ay sa Dios o pakana ng Diablo. Binigyan tayo ng Dios ng free will upang gamitin ito sa pagsamba at paglilingkod sa Kanya. Ayaw ng Dios na paglilingkod ng sapilitan o parang mga robot lamang tayo na sinususian para sumunod. Nais ng Dios ang kusang pagsamba at paglilingkod natin sa kanya, lahat tayo ay may free will kaya wala po tayong maidadahilan sa Dios na wala tayong kalayaang magpasya. Gamitin natin ito para ikalukuwalhati ng Dios. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top