What's new

Daily Bread (February 20 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
" ANG PAGHATOL SA KAPWA"
(Mateo 7:1-2)
“Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan. 2 Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba.
Mapapagpalang araw po mga kapatid, muli po tayong magaaral ng Salita ng Dios.
Isa sa napakadaling gawain ng isang tao ay ang humatol, humahatol tayo ayon sa nakikita ng ating mga mata, at sa ating mga naririnig. Kaya lamang ay dapat tayong magingat sa ating paghatol, ayon sa ating talata at galing mismo sa bibig ng Panginoong Hesus, "Huwag kayong humatol" upang hindi kayo hatulan, Kasi malimit ang ating paghatol sa ating kapwa ay mali, sarili lamang nating opinyon, madalas sanhi ito ng inggit at galit sa ating hinahatulan... .. Kapag daw tayo ay humahatol hahatulan din tayo ng Dios ayon sa ating ginawang paghatol sa ating kapwa, at susukatin tayo ayon sa panukat na ginamit natin sa iba. Kung may nakikita man tayong hindi kalugod lugod na ginagawa ng ating kapwa ang dapat nating gawin ay ipanalangin sila.. At kung kayang gawin ay kausapin natin sila at payuhan.. Payo na hindi para usigin sila at hatulan. Lahat tayo ay may nagagawang pagkakamali, kung maghahatulan tayo ng maghahatulan sa isat isa hindi tayo makabubuo ng isang magandang relasyon sa isat isa, ang nais ng Dios na maghari sa atin ay ang tayo ay magibigan, dahil ang pagibig ay nagtatakip ng lahat ng uri ng kasalanan. Sabi ng (1 Corinto 13:4-7) 4 Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, 5 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. 6 Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. 7 Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.
Ito ang dapat na maghari sa ating mga anak ng Dios ang paibig sa isat isa at huwag ang magbantayan o maghatulan sa mali ng isat isa dahil ang Dios lang ang may karapatang humatol dahil Siya lamang ang walang pagkakamali o kasalanan. Huwag din tayong magtanim ng gaiit at sama ng loob ito ang dahilan kaya hindi tayo nakapamumuhay ng payapa sa halip ay naalipin tayo ng pagkaabala sa pagbabantay ng mga mali ng iba at paghatol sa ating kapwa.
Dakilang Dios ingatan mo po kami na huwag kaming magkasala ng paghatol sa aming kapwa, ito po ang aming dalangin sa Pangalan ni Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top