What's new

Daily Bread (February 2 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"BAKIT MARAMI PA ANG HINDI NA AABOT NG EBANGHELYO?"
(MATEO 28:18-20)
18 Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. 19 Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang isa sa dahilan kung bakit napakarami pa sa mundo ang nananatiling hindi naaabot ng Ebanghelyo ay ang layo ng mga lugar kung saan naroon ang mga taong wala pang alam sa Ebanghelyo mula sa kabihasnan. Nakakatuklas pa rin ang mga manlalakbay ng mga tribo at mga nayon na wala sa mapa at wala pang nakakaalam sa kanilang pagiral. Bukod dito, ilang tribo ang nagsasalita ng wika na hindi pa nauunawaan ninuman, kaya halos imposible ang makipagusap sa kanila. Gayundin, may mga tribo at bansa na hindi tumatanggap sa mga taong nanggaling sa ibang lugar o mga Kristiyano anupa't mapanganib ang pakikipagugnayan sa kanila. Marami ang sumubok na mag-ebanghelyo sa ganitong mga tribo ang namatay habang nangangaral.
Ang isa pang dahilan kung bakit napakarami pa rin sa mundo ang hindi pa naaabot ng Ebanghelyo ay ang kawalang interes ng mga Kristiyano sa gawain ng pagmimisyon. Lalong lalo na ang mayayaman na dapat ay sumusuporta sa gawaing ito.. "Pakinggan ninyo ito, kayong mayayaman! Tumangis kayo at humagulgol dahil sa mga kapighatiang darating sa inyo. Bulok na ang inyong mga kayamanan at kinain na ng mapanirang insekto ang inyong mga damit. Kinakalawang na ang inyong ginto at pilak, at ang kalawang ding iyon ang magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy na tutupok sa inyong laman. Iyan ang kayamanang inimpok ninyo para sa mga huling araw. Sumisigaw ang mga manggagawa sa inyong mga bukirin dahil hindi ninyo ibinibigay ang kanilang mga sahod. Umabot na sa pandinig ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat ang mga hinaing ng mga mang-aani na inyong inapi! Nagpasasa kayo sa kalayawan at karangyaan dito sa lupa. Nagpataba kayong parang mga hayop na kakatayin" (Santiago 5:1–5).
Dapat magising ang lahat ng Kristiyano na ang pangunahin nating tungkulin ay ipalaganap ang Ebanghelyo, mayaman ka man o mahirap, ito ang pinaka mahalagang utos o tagubulin na iniwan sa atin ng Panginoong Hesus, huwag nawang matuon ang ating diwa sa mga makamundong bagay at makaligtaan natin ang ating tungkulin sa aspeto ng pangangaral ng tungkol sa kaligtasan. Simulan na natin ito bago pa mahuli ang lahat, bago pa bumalik ang ating Panginoong Hesus.
Ang pagiingat ng Dios ang sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top