What's new

Daily Bread (February 16 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MAY NAGMAMAHAL SA IYO"
(1 JUAN 4:7)
Mga minamahal, mag-ibigan tayo sa isa’t isa sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang sa bawat isang umiibig, ang kanilang kapanganakan ay mula sa Diyos at nakakilala sa Diyos.
Isang mapagpalang araw po ng mga puso sa ating lahat.
Sabi ng ating talata magmahalan tayo sa isat isa dahil ang pagibig ay mula sa Diyos. Sino sa atin ang hindi nakaranas na ibigin? Sa totoo lang po mga kapatid walang taong hindi nakaranas na ibigin o walang taong walang nag mamahal, dahil lahat po ng tao ay mahal ng Dios.
Kaya naman dapat din tayong umibig, lalo na tayong mga mananampalataya dahil ang ating Dios ay Dios ng pag ibig.. Tingnan po natin ang sinasabi ng mga talata ng (1Juan4:8-12)
8 Ang hindi umiibig ay hindi nakakilala sa Diyos dahil ang Diyos ay pag-ibig. 9 Sa ganitong paraan nahayag ang pag-ibig ng Diyos sa atin na sinugo ng Diyos ang kaniyang bugtong na Anak sa sanlibutan upang tayo ay mabuhay sa pamamagitan niya. 10 Ganito ang pag-ibig, hindi sapagkat inibig natin ang Diyos kundi dahil siya ang umibig sa atin at sinugo ang kaniyang Anak bilang kasiya-siyang handog para sa ating mga kasalanan. 11 Mga minamahal, yamang iniibig tayo ng Diyos, dapat din naman tayong mag-ibigan sa isa’t isa. 12 Walang sinumang nakakita sa Diyos kahit kailan. Kapag tayo ay nag-iibigan sa isa’t isa, ang Diyos ay nananatili sa atin at ang kaniyang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin.
Ang Dios ay hindi nakikita subalit maaring makita Siya sa ating mga buhay kung tayong lahat ng mga anak ng Dios ay magiibigan... May nagmamahal sa iyo, mas una tayong inibig ng Dios,.. bago tayo umibig sa Dios ay inibig na Niya tayo. Kaya huwag malungkot kung sa tingin mo o pakiramdam mo ay walang nagmamahal sa iyo, dahil una mali ang iyong pakiramdam, dahil may nagmamahal sa iyo una ang Dios, at pangalawa ang iyong kapwa mananampalataya.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top