What's new

Daily Bread (February 14 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" KUNG AKOY INYONG INIIBIG"
(John 14:15)
[15] Kung akoy inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng Pag ibig?Gusto mo bang malaman kung ano ang kahulugan ng pag ibig? Ang sampung utos ng Diyos ay nangangahulugan rin ng pag-ibig, pag-ibig sa Diyos at pag ibig sa kapwa. Pero ano nga ba ang kahulugan ng pag-ibig? Kahit sa bagong tipan sa panahon ni Kristo Jesus, ang pag-ibig ang pinakasentro sa lahat na siyang daan patungo sa kaligtasan. Iniuutos pa nga yan ni Jesukristo sa kanyang mga tagasunod (mga apostoles) bilang pagpapakita sa tunay na pagmamahal ni Kristo.
Ano po ang sinasabi ng ating teksto?
"John 14:15"
[15] Kung akoy inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
Napakalinaw po mga kapatid ang pagtupad pala sa utos ni Kristo Jesus ay nangangahulugan at pagpapakita na ikaw ay umibig sa kanya. At ano naman ang kanyang iniutos?
John 13:34
[34] Isang bagong utos ang sa inyoy ibinibigay ko, na kayoy mangagibigan sa isat isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isat isa.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top