What's new

Daily Bread (February 12 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"DAKILANG PAGMAMAHAL NG DIOS"
(1 Juan 4:19)
Umibig tayo pagkat Siya ang unang umibig sa atin.“
Mapagpalang gabi po sa ating lahat.. Muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Kaugnay ng buwan ng mga puso aralin natin ang tungkol sa pagibig ng Dios.
Napakasarap isipin na ang Diyos ang naunang umibig sa atin kaya tayo ngayon ay nakakalapit sa Kanya at nakapagpapahayag ng pagmamahal. Alalahanin din natin na inibig tayo ng Diyos kahit nuong tayo ay nasa putikan pa ng kasalanan.
Ayon sa( Roma 5:8) , —Ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin. Noong tayo‘y makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin.“ Siya ang —tapat na Diyos na tumutupad ng Kanyang tipan ng pag-ibig sa libong salinlahi ng mga umibig sa Kanya at tumutupad sa Kanyang kautusan“ (Deuteronomio 7:9).
Kung ating mamahalin nang totohanan ang Diyos, hindi tayo kailanman mabibigo. Bukod sa hindi Niya itinataboy ang sinumang lumalapit sa Kanya, mararanasan natin ang matamis na pagsama Niya sa ating buhay. Tiyak na pupunuin Niya ng kasiyahan at kagalakan ang ating buhay (1 Pedro 1:8) ,." 8 Hindi ninyo siya nakita ngunit siya'y inibig ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon, ngunit sumasampalataya kayo sa kanya. Dahil dito'y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita,." .
(Roma 8:32). "Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay sa atin ang lahat ng bagay?"
Ganyan tayo kamahal ng Dios mga kapatid, Siya ang unang umibig sa atin at hindi Niya ipinagkait ang Kanyang bugtong na Anak para sa ating kaligtasan.
Muli ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman, sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top