What's new

Daily Bread (December 7 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HINDI TATLONG HARI, KUNDI MGA PANTAS"
(MATEO 2:11)
11 Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira.
Maganda at mapagpalang araw po ating lahat mga kapatid muli po tayong magninilay ng Salita ng Dios. Ang ating pagaaralan ngayon ay tungkol sa mga mago o mga pantas na naghanap sa Panginoong Hesus noong ito ay isilang.. Pag binasa po natin ang chapter 2 ng Mateo ito po ay tungkol sa mga pantas at kapanganakan ng ating Panginoong Hesus. Atin pong isaisahin ang mga talata.. Verse 1,"Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. May mga pantas mula pa sa silangan na dumating sa Jerusalem" ... Pansinin po natin ang sabi ng talata.. MAY MGA PANTAS.. Mga pantas po ang naghanap sa Sanggol na Hesus, hindi po mga hari na natutunan natin noon pang una, kasi kahit sa isang awit na pamasko hari ang nakalagay.. MAY TATLONG HARING NAGSIDALAW.. sabi ng awit na ANG PASKO AY SUMAPIT.. Subalit kahit basahin po natin ang buong biblia ang dumalaw po sa kapanganakan ng Panginoong Hesus ay mga pantas o mga Mago sa ibang salin at hindi po mga hari..tulad ng mga unang turong nakagisnan natin.. Bakit po sila mga Pantas? Una, tinawag silang mga pantas dahil sila po ay matatalino, alam nila kung kailan ipapanganak ang Mesias, nakakabasa din sila ng mga galaw at tanda ng bituin dahil ang sabi sa verse 2,"nakita namin mula sa silangan ang kanyang bituin."Maaring sila yaong mga unang astronomers na nagaaral tungkol sa mga bituin sa kalawakan, sinundan nila ang isang tala bilang gabay sa paghahanap na ipinanganak na tagapagligtas. Pangalawa hindi po tinukoy ng Biblia kung ilan ang eksaktong bilang ng mga pantas na ito, pero ang ating pagkakaalam ay tatlo, o tatlong hari..bukod sa hindi po tiyak kung sila ay tatlo lamang, hindi rin sila mga hari kundi mga Mago o mga pantas.. Maaring higit pa po sila sa tatlo dahil ang sabi po ng talatang 2 ay MAY MGA PANTAS.. Hindi po tinukoy ang bilang ng mga pantas, ang tiyak po ang bilang ay ang kanilang inihandog na regalo, ano ano po iyon? Ang sabi po sa verse 11 ang kanilang mga dalang handog ay mga ginto, insenso at mira. Kaya ang unang dahilan kaya ang mga pantas ay tinawag na mga pantas ay sapagkat sila ay matatalino, alam nila kung kailan ipinanganak ang Mesias, at alam nila kung anong bituin ang kanilang susundan upang makarating sila ng Betlehem kung saan naroroon ang batang Hesus. Matindi ang ginawa nilang pagsasaliksik upang masumpungan ang Panginoong Hesus.. Nawa tulad ng mga pantas hanapin din nating masikap ang Panginoong Hesus at sambahin natin ng buong puso at handugan ng ating mga binagong buhay.
Muli ang pagiingat at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat, ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top