What's new

Daily Bread (December 30 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MAPAGPALANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT"
( Isaiah 43: 18-19)
Ito ang sabi niya: "Ang mga nangyari no'ng unang panahon, Ilibing sa limot, limutin na ngayon. Narito, at masdan Ang nagawa ko'y isang bagong bagay Na hanggang sa ngayo'y di mo namamasdan. Ako'y magbubukas Ng isang landasin sa gitna ng ilang, Maging ang disyerto ay patutubigan.”
Magbabagong taon na naman mga kapatid, purihin ang Dios nakatawid na naman tayo sa isang taon ng paglalakbay sa ating buhay pananampalataya.
Kumusta po ang inyong isang buong taon? ... Halos lahat tayo ay dumaan sa matinding pagsubok sanhi ng ating naranasang pandemya.. Ngunit pasalamatan natin ang Dios sa kabila ng lahat ng ating naranasan iningatan tayo ng Dios at pinalakas Niya ang ating pananampalataya.
Ngayong papasok na taong 2022,hindi natin alam kung ano muli ang ating mararanasan sa ating mga buhay. Wala po tayong dapat gawin kundi harapin ng buong pag asa at pananampalataya ang taong ito sa tulong at biyaya ng Dios. Sabi po ng ating talata yaong mga naranasan natin noong una ay ibaon na natin sa limot, lalo na yung mga negatibong nangyari sa ating buhay.. may mga lesson din naman tayong nakuha at higit sa lahat lalo tayong nangunyapit sa Dios dahil batid nating hindi natin kayang harapin ang ating mga naranasan kung hindi tayo sinamahan ng Dios. Sabi ng ating talata sa huli, Ako'y magbubukas ng isang bagong landasin sa gitna ng ilang,.. Maging ang disyerto ay patutubigan... Maaring mas mahigpit pa ang ating mararanasan sa taong 2022,pero pang hawakan natin ang sinasabi ng ating talata... Magbubukas ng landasin ang Dios sa gitna ng ilang. Tiyak sasamahan Niya tayo sa paglalakbay ngayong 2022, at pang hawakan natin ang Kanyang pangako, sa gitna ng disyerto ay magpapabukal Siya ng tubig ng kasaganaan sa mga anak ng Dios. Panghawakan po natin mga kapatid ang mga Salitang ito ng Panginoong Dios.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayong 2022 at ingatan sa lahat ng yugto ng ating buhay.. Purihin natin ang Dios!!!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top