What's new

Daily Bread (December 2 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
. "MATEO 10:29-31".
Hindi ba’t ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. At kayo, maging ang buhok ninyo’y bilang niyang lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.
Mapagpalang araw po mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Isang katiyakan ang sinasabi na ating talata na binanggit ng ating Panginoong Hesus noong ang Kanyang mga alagad ay labis na nagaalala tungkol sa mga bagay ng mundong ito,... "huwag kayong matakot, higit kayong mahalaga kaysa maraming maya".
Sa panahon ngayon kung saan flooded ng hindi magagandang balita ang social media, television, at radio, napakadali na lang magpadala sa takot. Pero sa tuwing alam natin na may kasama tayo na kailan man hindi tayo papabayaan, parang dagling natutunaw ang lahat ng takot natin. Mas nagiging matapang tayo at panatag.
Iyan mismo ang pangako ng Diyos sa iyo. Ang Mateo 10:29-31 ay isa lang sa napakaraming verses sa Bible that proves that God is so mindful of you. Ayon sa verse, kung ang mga maya nga na nilikha Niya ay iniingatan Niya, ikaw pa kaya na pati bilang ng buhok mo ay alam niya ang eksaktong bilang?
Ang takot ay maaring igupo ang ating pananampalataya.. Sa tuwing hinahayaan nating lamunin tayo nito, ninanakaw ng takot ang kapayapaang inilalaan sa atin ng Dios.. Pero mahirap man kalabanin ang takot walang sinabi ito sa kapangyarihan ng pagmamahal ng Diyos sa iyo. Sabi sa (1 John 4:18-19) "Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa. Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin."
Mga kapatid, tiyak ang pangako ng Dios sa atin dahil ganap ang Kanyang pagibig sa Kanyang mga anak.. Magtiwala kang lagi na ikaw ay iingatan ng Diyos at hindi Niya papabayaan dahil mahal ka Niya. . Huwag kang matakot.
Ano bang kinakatakutan mo? Ipagkatiwala mo iyan sa Kanya ngayon.
Pagpalain tayo at ingatan ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top