What's new

Daily Bread (December 12 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" HINDI NALILINGID KAY YAHWEH" KUNG NAGHIHIRAP ANG ATING KALOOBAN"
(Panaghoy 3:34)
34 Hindi nalilingid kay Yahweh kung naghihirap ang ating kalooban.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Maraming dahilan kung bakit ang isang tao ay nagdaranas ng paghihirap ng kalooban.
Ang pagkawala ng mahal sa buhay, ay isang dahilan. Maging kung ang ating mga anak ay nalululong sa mga pinagbabawal na gamot. Ang hindi pagkakasundo ng mag asawa. Ang pagdating ng mabigat na karamdaman na hindi natin inaasahan, at napakarami pang ibat ibang dahilan ng kabigatan ng puso... Subalit alam ng Dios ang paghihirap ng ating kalooban, hindi ito nalilingid sa Kanyang paningin.. Kaya naman huwag tayong masisiraan ng loob, alam ng Dios ang ating mga pinagdaraanan.. Idulog mo ito sa Kanya, ang Dios ang ating pagsumbungan ng anomang kasakitang ating nararanasan.
May kapahingahan sa piling ng Dios, sa Kanya tayo sumandal at umasa.
Mga magulang ko at kapatid may paghihirap ba ng kalooban kayong nararanasan? Hindi po yan nalilingid kay Yahweh, niyayakap ka Niya sa panahon ng iyong kapighatian. At hindi ka Niya iiwan ni pababayaan man. Muli ang Pagpapala at Pag iingat ng Diyos ay sumaating lahat Sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top