What's new

Daily Bread (December 10 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" HINDI SA NASA NG LAMAN KUNDI SA KALOOBAN NG DIOS. "
(1Pedro 4:2)
“Kaya nga mula ngayon ay mamuhay na tayong sumusunod sa kalooban ng Diyos, at hindi sa nasa ng laman.
Isang mapagpalang araw pong muli sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang isang mananampalataya ng Pangioong Hesus ay dapat ng lumakad sa bagong landas ng buhay, sumusunod sa kalooban ng Dios at hindi na sa kagustuhan o nasa ng laman.
Habang naririto tayo sa kasalukuyang tahanan, gumawa tayo ng ayon sa ating pananampalataya, maglingkod tayo na puno ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa, habang matiyaga nating inaasahan ang isa pang tahanan doon sa langit.
Dito pa lamang sa lupa, isuot na natin ang bagong pagkatao na kalarawan ng Panginoon, dahil naka sulat sa, (2Corinto 5:17) “Kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.”- Hindi mo ito magagawa kung hindi mo lalabanan ang mga gawa ng laman.
(1Pedro 4:2-3) “Kaya nga mula ngayon ay mamuhay na tayong sumusunod sa kalooban ng Diyos, at hindi sa nasa ng laman. Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga Hentil: kahalayan, masasamang nasa ng laman, paglalasing, walang tigil na pagsasaya, pag-iinuman, at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan.”
- Bilang mga Kristiano na nabubuhay sa lupa at umaasa ng buhay sa kalangitan, kailangan na nating iwan ang dati nating pagkatao na hindi maka-diyos. Kailangang makita sa atin na hindi lamang tayo panlupa, tayo rin ay panlangit.
Mga magulang ko at kapatid tayong mga mananampalataya ay mga mamamayan ng langit, kayat mamuhay tayo at lumakad ng mga paguugaling panglangit at hindi ng mga bagay na panlupa.. binago na tayo ni Kristo at panghawakan natin ito.
Ang pagpapala at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top