What's new

Daily Bread (August 7 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" "VIRUS"
( Mga Taga-Roma 3:23-24)
Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob, sila ay pinawalang-sala na niya sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpapalaya sa kanila.
Mapagpalang araw po sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Bidang bida ngayon ang virus na covid 19,buong mundo kasi ang apektado nito, mas lumalala pa dahil tumitindi ang lakas, naging delta variant na nga ang tawag ngayon dito.. Mas madaling makahawa at mas marami ang namamatay... Subalit mayroon pang virus na mas higit na mapanganib kaysa covid 19,ito ay walang iba kundi ang virus ng kasalanan.. Mas mabilis itong makahawa, at imbes na layuan at iwasan lalo pa iyong nilalapitan ng mga tao. Alam ng makamamatay at magdadala sa impierno patuloy pa ring tinatangkilik... Ang virus ng kasalanan ay napakadaling makahawa, sa katunayan hindi pa tayo ipinapanganak ay mayroon na tayo nito.. Tignan po natin ang sinasabi sa (Mga Taga Roma 5:8) 12 Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala... Ang lahat ng tao ay nagtataglay ng virus na ito, mula kay Adan hanggang sa panahon natin, walang hindi nahawa nito... Mayroon bang lunas dito? .. Anong vaccine ang kailangan upang gumaling tayo dito?... Kailangan ang antidote sa virus ng kasalanan at ito ay walang iba kundi ang dugo ni Kristo na tumigil doon sa Krus ng Kalbaryo. (Hebreo 9:14 -) higit ang nagagawa ng dugo ni Cristo! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili bilang handog na walang kapintasan. Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating mga budhi sa mga gawang walang kabuluhan upang tayo'y makapaglingkod sa Diyos na buháy. Nilinis tayo ng dugo ni Kristo, lahat ng nawisikan ng Kanyang dugo o nanampalataya sa ginawa Niya doon sa Krus ng Kalbaryo ay kanyang pinagaling. (Pedro 2:24) Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo'y pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.... Dahil sa ating mga kasalanan,.... Dahil sa virus na taglay natin, nasugatan at nabugbog ang Panginoong Hesus..( Isaias 53:5)
Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap...
Ngayon nagkakakagulo ang maraming tao at gustong lahat ay maturukan na ng vaccine.. Dati inaalok pa ito ng gobyerno at marami ang umaayaw, pero ngayon dahil sa mabilis na pagkalat ng delta variant at ibat ibang fake news na hindi raw makakakuha ng ayuda at hindi palalabasin ang walang vaccine... Halos nawalan na ng pag asa ang iba napakaraming tao sa kamaynilaan ang naguunahang sila ay maturukan... Sa kabilang dako ang virus ng kasalanan na magdadala sa impierno ay may lunas na, dalawang libong taon na ang nakakaraan.. Subalit patuloy pa ring tinatanggihan ng marami ang vaccine na inaalok ng Panginoong Hesus. Ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya. (Roma 6:23) 23 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.... Wala po itong bayad at pag mayroon ka nito hindi ka na mapapahamak, sa halip magkakaroon ka ng buhay na walang hanggan... Ano pa ang inaantay mo tanggapin mo na ang kaligtasang inaalok ng Dios sa iyo.?
Walang ibang lunas o gamot ang virus ng kasalanan maliban sa pananampalataya kay Kristo... Sambitin mo ng buong puso ang panalanging ito... Panalangin ng pagtanggap..
PANGINOONG HESUS, Inaamin ko po na ako'y may virus ng kasalanan na minana ko pa buhat kay Adan.. at kailangan ko po ang lunas ng inyong pagpapatawad.
Naniniwala ako na Ikaw Panginoong Hesus ay namatay para sa akin, bilang kabayaran sa aking mga kasalanan... Nakahanda po akong tumalikod sa aking mga kasalanan at tanggapin ang iyong inaalok na lunas sa aking karamdamang ito, Inaanyayahan po kita PANGINOONG JESUS, na pumasok sa aking puso at buhay, bilang aking sariling tagapagligtas.
Nakahanda po ako, sa tulong po Ninyo, na sumunod sa inyo Panginoong Hesu CRISTO bilang PANGINOON ng aking Buhay. Sa pangalan mo PANGINOONG JESU CRISTO ito po ang aking dalangin "AMEN"..

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top