What's new

Daily Bread (August 5 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" MAMUHAY NG KALUGOD-LUGOD"
(Mga Taga-Roma 12:1-2)
Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang mga tao ay likas na maibigin sa kasalanan, mahilig maglaro ng apoy. Kahit alam na delikado, ayaw pang tigilan, ayaw pang iwasan. May warning signs na nga, “Bawal tumawid dito. Nakamamatay.” Tawid pa rin. Kahit palitan ng, “May namatay na dito,” ganun pa rin. Yung pakete ng sigarilyo kahit may government warning na: dangerous to your health, ganun pa rin. Nung palitan at ipakita na litrato kung ano ang mangyayari sa baga, hitit nang hitit pa rin. Hangga’t di tayo napapahamak hindi tayo madadala. Iintayin pa ba nating huli na ang lahat bago tayo matuto at umiwas sa tukso?
MASAGANA ANG HABAG NG DIOS SA ATIN
Napakasagana ang habag ng Dios sa atin,alam niya ang kahahantungan ng ating makasalanang kalagayan..wala na talagang pag asa..
.Isaias 64:6
Lahat tayo'y naging marumi sa harapan ng Diyos; ang mabubuting gawa nati'y maruruming basahan ang katulad. Nalanta na tayong lahat gaya ng mga dahon; tinatangay tayo ng malakas na hangin ng ating kasamaan.
. Mga Taga-Roma 3:23
Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
. Mga Taga-Roma 6:23
Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Mga kapatid magpasalamat tayo sa Dios dahil sa Panginoong Hesus tinanggap tayong muli ng Dios Ama. Tinubos Niya tayo sa tiyak na parusa na nakalaan sa atin. Kaya huwag na po nating sayangin ang biyayang ito na ibinigay sa atin ng Dios mamuhay po tayo ng may kabanalan dahil ang Dios ay banal.. Hindi kailanman papapasukin sa kaharian ng Dios ang namumuhay sa kasalanan.Mamuhay po tayo ng kalugod-lugod sa Kanya.. Binago na tayo ng Panginoong Hesus, patuloy po tayong magpabago sa Kanya,patungo sa wangis ng Dios.
Purihin natin at parangalan ang Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top