What's new

Daily Bread (August 31 2021)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"WALANG PAGKATAKOT"
(Mga Awit 118:6)
Kung itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Sa panahon ngayon na ang naghahari sa karamihan ay takot at pangamba, hindi na nila alam kung sinong Dios ang tatawagan at pananaligan.... Tumataas ang bilang ng may depression at anxiety.. At marami ang nagpapatiwakal sanhi ng matinding takot na kanilang nararanasan.. Kaya naman ang ating talata ngayon ay napakaganda at nakakahamon, nakakapagpalakas ng loob, ang sabi ay, "KUNG itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating." Upang mawala ang ating takot dapat ay lagi tayong babad sa presensiya ng Dios.. Basahin natin lagi ang Kanyang mga Salita at panghawakan natin ito. Mga magulang ko at kapatid, hindi na maganda ang takbo ng ating mundo, kung wala tayo sa Panginoon tiyak matatakot tayo at mangangamba. Si Hesus ang ating malaking bato, ang ating kanlungan at saklolo sa panahong ito ng kabagabagan... Magpa ilalim po tayo sa Dios at Kanyang presensiya at magpasakop sa kanyang malalabay na pakpak. Ang sinumang ang kapiling at kasama ay ang Dios na si Yahweh ay ligtas sa lahat ng takot at pangamba...
Muli ang pagiingat at biyaya ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top