What's new

Daily Bread (August 27 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"IBALIK ANG HINIRAM"
(AWIT 37:21)
Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa,
ngunit ang matuwid na puso'y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magninilay ng mga Salita ng Dios... Mga kapatid kapag tayo po ay nanghiram ng anumang bagay sa ating kapwa ito man ay mga gamit kasangkapan o pera nararapat na ito ay ating isauli. Dahil ang hindi daw po nagbabalik ng anumang hiniram ay nagpapakilala na ang taong iyon ay masama. Dahil kapag hindi mo isinoli ang iyong hiniram lalabas na pinaginteresan mo ang bagay na iyong hiniram. At hanggat maaari ibalik natin ito ng maayos, kung paano natin hiniram ganoon din natin dapat ibalik, kung nasira po natin, ipagawa muna natin bago isoli upang hindi po madala ang nagpapahiram sa atin... Kapag nagpahiram ang ating kapwa sa atin ibig sabihin ay nagtitiwala siya sa iyo, kaya naman upang hindi masira ang tiwala ng ating kapwa isoli po natin sa takdang araw na sinabi nating isosoli. Kung sinabi nating mamaya o bukas isosoli gawin po natin.. huwag nating hayaang yung pang may ari ang kumuha nito sa iyo dahil sa hindi mo agad isinoli... Kung salapi naman po ang ating hiniram isoli po natin sa takdang usapan ninyo ng nagpahiram.. Kung hindi po kayo makatupad dala ng kagipitan makiusap po kayo at humingi ng pasensiya... Huwag po nating pagtaguan ang ating mga pinagkakautangan.. At huwag ding magalit kung sinisingil dahil noong nanghihiram ka ay pinag bigyan ka niya dapat lamang na isauli mo ang pera ng ipinagkatiwala niya sa iyo... Ang pagiging matapat ay mas magpapalalim ng magandang samahan.. Hanggat maari huwag po tayong mangutang lalo na kung wala ka naman talagang mahigpit na pangangailangan. Kung sa luho lang gagamitin huwag ng mangutang dahil mahirap po ang may utang. Sabi ng aklat ng (Kawikaan 22:27)-
Ang mahihirap ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mayayaman, at ang nangungutang ay alipin ng nagpapautang.... Ano naman po ang sinasabi ng biblia tungkol sa pagpapatubo? Sabi sa (Deutronomio 23:19-22)-"Huwag kang magpapahiram na may tubo sa iyong kapatid; tubo ng salapi, tubo ng kakanin, tubo ng anomang bagay na ipinahihiram na may tubo: Sa isang taga ibang lupa ay makapagpapahiram ka na may tubo; nguni't sa iyong kapatid ay huwag kang magpapahiram na may tubo: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng pagpapatungan mo ng iyong kamay, sa lupain na iyong pinapasok upang ariin." Mga kapatid marami pong tuntunin ang Dios sa mga Israelita pagdating sa pangungutang.. Subalit huwag po tayong magkaroon ng pananagutan sa ating kapwa....Mga kapatid kung talagang nasa kagpitan at kailangang kailangan pwede naman pong manghiram at mangutang.. Ang ayaw po ng Dios ay ang hindi marunong magsoli at magbayad ng utang. Sabi po ng ating talata masama ang taong hindi marunong magsauli ng anumang bagay na hiniram... Ngunit ang matuwid na pusong dakila, ang palad ay bukas at may pang-unawa..
Muli ang pagpapala at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top