What's new

Daily Bread (August 24 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" PINAPATAY NG NEGATIBONG PANINGIN ANG PANANAMPALATAYA"
(Mga Bilang 13:30-33)
Nawawala ang faith kapag ang tinitignan ay ang mga negatibong bagay. Ang isang pananampalatayang sakdal ay positibo. Kailangan nating lakaran gawin at angkinin ang mga bagay na ating sinasampalatayanan sa Diyos na ibnigay Niya kahit na ito ay di mo pa nahahawakan.. Dahil kahit ibinibigay na ng Diyos ang iyong kahilingan. Dapat pa rin natin itong lakaran sa pamamagitan ng pananampalataya, huwag nating tignan ang mga hadlang.

30 Subalit pinatahimik ni Caleb ang mga taong-bayan na nagrereklamo na noon kay Moises. Sinabi ni Caleb, “Hindi tayo dapat mag-aksaya ng panahon. Lusubin na natin sila sapagkat kaya natin silang gapiin.”

31 Ngunit sumagot ang ibang espiyang kasama niya, “Hindi natin sila kaya sapagkat mas malakas sila kaysa atin.” 32 Hindi maganda ang kanilang ulat tungkol sa lupaing pinasiyasat sa kanila. Ito ang sinabi nila, “Malalaking tao ang nakatira doon at sinumang magtangkang sumakop sa kanila ay lalamunin nila. 33 Nakita namin doon ang mga higante. Sila ay mula sa lahi ni Anac. Mga tipaklong lamang kami kung ihahambing sa kanila.”
Ang Canaan ay matagal ng ibinigay ng Diyos sa kanila, ito ang promised land ng Diyos sa kanyang lingkod na si Abraham na pinagmulan ng lahi ng Israel, ang kailangan ay angkinin at palayasin ang mga dayuhan naninirahan doon, dahil hindi naman ito sa kanila kundi sa bayang Israel. Tayo din may mga pangako ang Diyos na dapat ay nasa atin na pero dahil hinahayaan nating maakupahan ito ng diablo hindi pa rin natin ito nahahawakan, ang dapat na gawin natin ay angkininin ito at palayasin ang kaaway na kumukuha ng mga pangako ng Diyos na para sa atin.. Sabihin mo sa diablo, lumayas ka!! Akin ang tagumpay dahil ibinigay na ng Diyos ito sa akin mula ng ako ay nanalig sa Kanya at ginawa Niyang anak! .. Mga kapatid, . huwag nating hayaan na mapasa kaaway ang mga bagay na ipinangako sa atin ng Diyos. Sa iyo yan, ang kailangan lang ay angkinin mo... PURIHIN SI YAHWEH!


English Translation



"NEGATIVE VISION KILLS FAITH"
(Numbers 13:30-33)
Faith is lost when looking at negative things. A perfect faith is positive. We have to walk to do and own the things that we believe in God that He has given even if you haven't touched it yet.. Because even God has already granted your request. We must still walk it by faith, let's not look at the obstacles.

30 But Caleb silenced the townspeople who had been complaining to Moses. Caleb said, “We mustn't waste time. Let's attack them because we can defeat them."

31 But the other spies with him answered, "We can't handle them because they are stronger than us." 32 Their report was not good about the land that they investigated. This is what they said, "Big people live there and anyone who tries to conquer them will be swallowed up by them. 33 We saw the giants there. They were from the race of Anac. We are grasshoppers compared to them.”
Canaan has been given to them by God for a long time, it is the promised land of God to his servant Abraham who is the origin of the race of Israel, what is needed is to possess and evict the foreigners living there, because it is not theirs but the people of Israel. We also have God's promises that should be in us but because we let the devil occupy it we still don't get hold of it, what we should do is take possession of it and drive out the enemy who takes God's promises that are for ours.. Tell the devil, get out!! The victory is mine because God has given it to me since I trusted Him and made Him His child! .. Siblings, . let's not let the enemy get the things that God has promised us. It's yours, all you have to do is own it... PRAISE YAHWEH!


Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top