What's new

Daily Bread (August 24 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" " ANG TAPAT SA AKIN"
(AWIT 91:14)
AKING ILILIGTAS ang tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong AKO'Y kikilanlin.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Sa ating pagbabasa ng talata dapat ay inuunawa po nating mabuti kung ano yung content o nilalaman ng talata... Maraming tao na nagaangkin na para sa kanila ang talatang ito.. Subalit sinasabi po ng talata na ang pagliligtas ng Dios ay para doon sa mga tapat. Kung hindi po tayo tapat sa ating Dios hindi po para sa atin ang talatang ito. Ito po ay para doon sa mga tapat sa Dios. Ang sabi, "Aking ililigtas ang tapat sa Akin" . Kaya naman maging matapat po tayo sa ating Dios. Sa lahat ng ating iniisip ginagawa at paplanuhin ay laging maging matapat tayo.. Kung ano ang ginagawa natin sa ating kapwa ay nakararating sa Dios, ang pagiging matapat sa ating kapwa ay pagiging matapat din sa Dios. Pagdating sa pagsamba at pagbibigay ng ating mga ikapu at kaloob dapat ay maging matapat din po tayo mga kapatid ating isaisip na wala po tayong anuman sa daigdig na ito na hindi po nanggaling sa Dios. Pangalawa, kilalalanin natin ang Dios bilang nagiisang Dios. Walang ibang Dios maliban sa Kanya.. (Isaias 45:22)
“Lumapit kayo sa akin para maligtas kayo, kayong lahat sa buong mundo. Sapagkat ako ang Dios at maliban sa akin ay wala nang iba pa." Ang ating pagsamba sa ibat ibang Dios ay pagpapakita natin na hindi natin kinikilala ang Dios bilang nagiisang Dios. Sabi ng ating talata.. "iingatan ko ang sinumang taong AKO'Y KIKILANLIN. Alam ng Dios ang laman ng ating puso batid Niya kung nagiisa siyang Panginoon sa ating puso. Nais mo bang matamasa at maranasan ang pagliligtas at pagiingat ng Dios? Maging matapat po tayo sa Kanya at kilalanin nating tanging Siya lamang ang nagiisang Dios at wala ng iba.
Ang pagliligtas at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top