What's new

Daily Bread (August 23 2021)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
" ANG PANGINOON ANG MAUUNA SA IYO" (Deuteronomio 31: 8)
"Ang PANGINOON ang nauuna sa iyo. Siya ay makakasama mo; hindi ka niya iiwan o pababayaan. Huwag kang matakot o manglupaypay. "
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magninilay ng Salita ng Dios.
Marami tayong mga naisin, mga ibig marating at marami din tayong mga balakin sa buhay... Huwag nating kalilimutang ang Dios ang hayaan nating manguna sa atin.. Sabi ng ating talata ang "Panginoon ang nauuna sa iyo". Gusto ng Dios na Siya ang nauuna at ginagawa Niya talaga na mauna sa atin.. Kaya lang tayong mga tao madalas pinangungunahan natin ang Dios na kailanman ay hindi naman natin magagawa dahil Siya ang may hawak at may kontrol ng buhay.. Tama ang sabi ng talata ang Panginoon ang nauuna sa atin at hindi natin pwedeng pangunahan Siya, dahil kapag ipinilit natin ang ating gusto sa halip na ang pangunguna ng Dios tiyak maliligaw tayo.. '"Siya ang ating makakasama, pangako po yan ng Dios sa atin, at hindi Niya tayo iiwan o pababayaan" . Kapag hinayaan nating ang Dios ang manguna sa ating buhay tiyak, sasamahan Niya tayo at may katiyakan ang tagumpay sa ating mga lakad plano at balakin dahil sinabi Niya na hindi Niya tayo pababayaan... , hindi Niya tayo pababayaang malugi, maligaw o mapasama... Kahit na nasa gitna pa man tayo ng kaguluhan at pandemya, tiyak kasama natin ang Dios at hindi Niya tayo pababayaan kung Siya ang gagawin nating manguna sa ating mga buhay.. Kaya sabi ng huling bahagi ng ating talata, "Huwag tayong matakot at manglupaypay.. May kasama tayong magtatanggol sa atin, na ating kalasag, ating kanlungan, matibay na muog at malaking bato na hindi magigiba at ito ay ang ating Panginoong Dios na makapangyarihan sa lahat...na siya nauuna sa atin.
Ang pagsama at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top