What's new

Daily Bread (August 22 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HINDI LAMANG SA TINAPAY NABUBUHAY ANG TAO"
(Mateo 4:4)
"Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Ang tao'y hindi lamang sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’”
Ang Salita ng Diyos ang pagkain nating espiritual, kung paanong pinapakain natin ang ating pisikal na katawan gayon din naman dapat din nating pakainin ng Salita ng Diyos ang ating espiritu upang ito ay maging matatag at malusog...
Dapat nating basahin at pag-aralan ang Bibliya sapagkat hindi nagbabago ang Diyos. At dahil hindi rin nagbabago ang makasalanang katayuan ng sangkatauhan sa harapan ng Diyos - ito ay mahalaga para sa atin. Samantalang ang teknolohiya ay nagbabago, ang mga pagnanasa at katangian ng tao ay hindi nagbabago. Makikita mo na habang binabasa mo ang bawat pahina ng Bibliya, malalaman mo na “walang nagbago sa ilalim ng araw.” At habang ang sangkatauhan ay patuloy sa paghahanap ng kahulugan ng buhay at kasiyahan sa mga maling lugar, ang Diyos, ang ating mabuti at mapagbiyayang manlilikha ay inihayag sa Kanyang Salita kung ano ang makapagbibigay sa atin ng pangwalang hanggang kasiyahan. Ang Bibliya ay napakahalaga kaya nga sinabi mismo ni Hesus, “Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Diyos” (Mateo 4:4). Sa madaling salita, kung nais mong magkaroon ng matagumpay na buhay tulad ng nais ng Diyos para sa iyo, pakinggan mo at sundin ang mga nakasulat sa Salita ng Diyos. Mas higit itong di hamak kaysa sa pisikal na pagkain!
Sabi ng isang pastor, kung may bahay ka at wala kang Biblia, ibenta mo ang iyong bahay at bumili ka ng Biblia, ibig sabihin mahalaga ang Salita ng Diyos sa isang tahanan, ang tahanang walang Salita ng Diyos ay magulo at malayo sa presensiya ng Panginoong Hesus. .PURIHIN ANG DIYOS!


English Translation



"MAN DOES NOT LIVE BY BREAD ALONE"
(Matthew 4:4)
"But Jesus answered, "It is written, 'Man shall not live by bread alone, but by every word that proceeds from the mouth of God.'"
The Word of God is our spiritual food, just as we feed our physical body, we must also feed our spirit with the Word of God so that it becomes strong and healthy...
We must read and study the Bible because God does not change. And since mankind's sinful status before God does not change either - this is important for us. While technology changes, human desires and characteristics do not. You will see that as you read every page of the Bible, you will realize that "nothing has changed under the sun." And while mankind continues to look for the meaning of life and happiness in the wrong places, God, our good and gracious creator has revealed in His Word what can give us eternal happiness. The Bible is so important that Jesus himself said, "It is written, Man shall not live by bread alone, but by every word that comes out of the mouth of God" (Matthew 4:4). In other words, if you want to have a successful life as God wants for you, listen to and follow what is written in the Word of God. It is more honorable than physical food!
A pastor said, if you have a house and you don't have a Bible, sell your house and buy a Bible, meaning that the Word of God is important in a home, a home without the Word of God is messy and far from the presence of the Lord. Jesus. .PRAISE THE LORD!


Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top