What's new

Daily Bread (August 20 2021)

Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,473
Reaction
4,134
HUWAG MANIWALA SA " FAKE NEWS"
(MGA KAWIKAAN 18:6-8)
"6 Ang labi ng mangmang, bunga ay alitan,
at ang kanyang bibig, hatid ay kaguluhan.
7 Kanyang bibig, maghahatid sa sariling kasiraan; kanyang labi nama'y isang bitag na kahuhulugan.
8 Ang tsismis ay másáráp pakinggan,
gustung-gusto ng lahat na pag-uusapan."
Isang mabiyayang araw pong muli mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.... Sa panahon natin ngayon napakaraming fake news, mga balita ng hindi naman totoo na lalong nagpapalala ng problema ng ating bansa.. Dahil nga sa social media, at lalo na sa Facebook ay napakadaling gumawa ng mga pekeng account. Hindi mo na matunton kung sino ang mga nagpopost ng mga pekeng balita... Narito ang ilang mga halimbawa, magiging zombies daw ang lahat ng nagpabakuna kontra covid, meron naman hindi raw palalabasin at hindi makakakuha ng ayuda ang walang saksak ng vaccine..namatay na raw ang isang cebrity o artista at kung ano ano pang mga fake news.. Ito ay mga patunay na ang ating mundong ginagalawan ay puno ng kasinungalingan.. Maraming mga tao na gustong maghasik ng lagim at kaguluhan.. Hindi ito naaayon sa kalooban ng Dios,.. sinasabi ng Banal na Kasulatan na dapat tayong maging matapat sa isat isa, magibigan sa isat isa, at magdalahan ng pasanin ng isat isa... (Galacia 6:2) "Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo."
Nakakaawa ang kasasapitan ng mga taong sinungaling at mapaggawa ng tsismis, ang hantungan nila ay ang walang hanggang kaparusahan.. Tayo namang mga Kristiyano, huwag tayong basta maniniwala sa mga pekeng balita o tsismis, suriin muna nating mabuti kung ito ay totoo at kung sino ang source nito... At huwag ding basta comment at share at baka madamay ka pa sa mga nagkakalat ng fake news.. Ang magandang ibalita ay ang mga Salita ng Dios.. THE GOOD NEWS! Ito ang totoo at walang halong kasinungalingan. At may gantimpala ka pang makukuha pagdating mo doon sa langit.. Mga kapatid magingat po tayo sa mga fake news at mga haka hakang walang katuturan.. Ang isa puso natin ay ang Salita ng Dios dahil ito ang dalisay at puspos ng katotohanan.
Pagpalain po tayo ng Panginoong Hesus ngayon at magpakaylanman. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Top