What's new

Daily Bread (August 19 2021)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"MANATILING TAPAT SA KABILA NG MGA PAGSUBOK"
( SANTIAGO 1:12)
MAPALAD ANG MGA taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Kabila kabilang mga pagsubok ang ating pinagdaraanan ngayon mga kapatid.. Na dagdag pa itong matagal na nating pakikipagbuno dito sa tinatawag nating covid 19.May kanya kanya tayong hinaharap na suliranin at mga pagsubok, maaring ang iba ay sa pinansiyal, ang iba ay karamdaman, mayroong problemang mag asawa at mga paguusig na nararanasan natin bilang mga mananampalataya.. May mga sumusuko at nawawalan ng loob at pagasa. Nanlulumo, at parang gusto ng sumuko, marami ngayon ang nawalan ng hanap buhay at ang mas higit na nakakalungkot ay may mga namatay pa tayong mga kapatid at mahal sa buhay ngayong panahon ng pandemya.. Hindi naman natin mapuntahan at mapaglamayan dahil bawal nga ang mga pagtitipon... "Subalit sinasabi po ng ating talata na mapalad ang mga nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok." Mga kapatid batid ng Dios na hindi po madali ang ating mga pinagdaraanan sa ngayon. Subalit mapalad po tayo kung tayo po ay magtitiis at patuloy na magtatapat sa Dios sa kabila ng mga pagsubok... Kapit po tayo ng mahigpit sa Lord, huwag po tayong bibitaw, magpakatibay po tayo sa ating pananampalataya. Kung mapagtagumpayan po natin ang mga pagsubok lalago at lalakas po tayo sa ating pananampalataya... Sinasabi din ng Aklat ni San Pedro.. Na kapag tayo ay may pagsubok ay parang dumaraan tayo sa apoy katulad ng ginto upang tayo ay dalisayin...(1 Pedro 1:7)
"Ang gintong nasisira ay pinaparaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, ay pinaparaan sa pagsubok upang malaman kung ito'y talagang tapat. Sa gayon kayo'y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo.".. Mga magulang ko at kapatid hindi po nalilingid sa Dios ang pinagdaraanan ng Kanyang mga anak.. Nagaalala Siya para sa atin at nais Niyang kunin mula sa atin ang ating mga pasan, tulad ng sinasabi Niya sa (Mateo 11:28) Magsiparito kayo sa akin kayong lahat ng mga napapagal at nabibigatan sa inyong mga pasanin at kayo ay aking pagpapahingahin... Mga kapatid mapalad po tayo kung tayo po ay nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok na ating pinagdaraanan... Laban lang kapatid, kasama natin ang Dios.
Muli ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top