What's new

Daily Bread (August 16 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"" SALAMAT SA BUHAY"
(AWIT 71:6)
"Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata: ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina: ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo."
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios. 20,805 na araw na pala akong umiiral sa mundo, mula noong ako ay isilang magpahanggang ngayon.. Kulang kulang na 30,000 araw na hindi nagmimintis ang Dios sa pagbibigay ng lahat ng biyaya na aking natatanggap araw araw... Naisip nyo na po ba kung gaano tayo inaalagaan ng Dios? Ginigising Niya tayo araw araw at binibigyan ng kapahingahan pagsapit ng gabi.. Araw araw niyang ipinoprovide ang lahat ng ating pangangailangan, pagkain, damit, tahanan, hanapbuhay at napakarami pang iba na kung iisa isahin natin ay hindi po tayo matatapos... Kaya marapat lang natin Siyang purihin at pasalamatan, pahalagahan po natin ang bawat araw na tayo ay nabubuhay... Paano kaya kung isang buong araw ay hindi tayo bigyan ng Dios ng ating mga kailangan para mabuhay? Kung alisin niya ang hangin, o tubig, o araw, at pagkain? Mabubuhay po kaya tayo? Iyan pa lang tiyak na mamamatay tayong lahat.. Subalit ang Dios ay mabuti, binubuhay Niya ang lahat ng tao sa mundo mabuti man o masama.
Sabi ni Lord sa (Mateo 8:35)
upang kayo'y maging mga anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang kanyang araw sa masasama gayundin sa mabubuti, at nagpapadala siya ng ulan sa mga matuwid, gayundin sa mga di-matuwid.
Lahat ay may pribelihiyong tanggapin ang mga materyal na pagpapala ng Dios. Nagkakaiba lang po pagdating sa aspeto ng espiritwal.. Dahil mas itatangi ng Dios ang mga taong namumuhay ayon sa Kanyang katwiran... Mga kapatid kilala po tayo ng Dios wala po tayong maikukubli sa Kanya. Mula pa sa sinapupunan ng ating ina kilala na po tayo ng Dios sabi po sa Mga Awit (139:13-14) "Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.".. Tularan natin ang may Akda ng Awit 139,kinikilala Niya na Dios ang kanyang creator... At ang lahat ng gawa ng Dios ay nakakintal sa kanyang puso. Mga kapatid pasalamatan po natin ang Dios dahil sa kabila ng may pandemya, buhay pa rin po tayo at malalakas, at hindi Niya tayo pinabayaan... másáráp pong mamuhay sa katwiran at kalooban ng Dios.. May kagalakang lagi ang mga umaasa at nagtitiwala sa Dios.
Pagpalain po tayo ni Yahweh ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top