What's new

Daily Bread (August 12 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MULI TAYONG BUBUHAYIN"
(JUAN 11:25-26)
Mapagpalang araw po mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Isa sa kinatatakutang paksa sa mga kwentuhan ay tungkol sa kamatayan. Ayaw ng marami na pagusapan ito.. Dahil hindi pa naman oras ng iyong kamatayan. Subalit mga kapatid araw araw ay posible tayong mamatay.. Walang nakakaalam ng oras at araw kung kailan tayo kukunin ni Lord. Kaya kung mayroon mang dapat pagusapan at paghandaan ito po ay walang iba kundi ang tiyak na pagdating ng kamatayan.
Hindi natin ito maiiwasan sabi po sa (Hebreo 9:27)
"Nakatakda sa tao ang mamatay na minsan at pagkatapos nito ay ang paghuhukom.
Sabi ng ating talata si Hesus ang muling pagkabuhay ibig pong sabihin nasa kapangyarihan ni Kristo ang buhay. Ginapi na Niya ang kamatayan noong Siya ay nabuhay na mag uli. Kaya lahat tayong nananalig Kay Kristo ay muling mabubuhay.. Sabi ng ating talata ang mga nanalig sa Akin sa Panginoong Hesus kahit mamatay ay muling mabubuhay.. Tayo po ay mabubuhay na maguli lahat ng mga mananampalatayang namatay na ay muling bubuhayin sa huling araw.. Kaya kung may kapatid kang mananampalataya, magkikita kita pa rin tayo dahil lahat po ng namatay kay Kristo ay muling bubuhayin. At sinabi pa po ng talata at sinumang nabubuhay at nananalig sa Akin ay hindi mamamatay kailanman... Mga kapatid ang mga anak ng Dios na nananalig kay Kristo ay hindi po mamamatay kailanman.. Dahil ang ating kaluluwa kapag namatay ang ating katawang laman ay patuloy na mabubuhay. Subalit sa huling araw tayo ay bibigyan ng Dios ng bagong katawan, isang maluwalhating katawan na hindi na mamamatay at mabubulok..
Ang Salita ng Diyos ang nagbibigay ng katiyakan sa pagkabuhay na muli ng mga mananampalataya sa muling pagdating ni Hesu Kristo para sa Kanyang katawan (ang Iglesia) sa pagdagit sa mananampalataya. Ang ganitong pag-asa at katiyakan ang dahilan ng awit ng tagumpay ni Pablo sa 1 Corinto 15:55, "Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, o kamatayan, ang iyong kamandag?"
1Tesalonica 4:15-18 " Ito ang itinuturo ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: tayong mga nabubuhay pa at natitira pa hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi mauuna sa mga namatay na. 16 Sa araw na iyon ay maririnig ang tinig ng arkanghel at ang tunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ay bababâ mula sa langit na sumisigaw. At ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. 17 Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman. 18 Kaya nga, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga salitang ito."
Mga kapatid panghawakan po natin ang mga Salitang ito ng Dios, tayong lahat ng mga nanalig kay Kristo ay muling bubuhayin at titira ng pirmihan doon sa langit.
(Juan 14:2-3)
2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? 3 At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik upang kung saan Ako naroon kayo rin ay dumuon.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top