What's new

Daily Bread (April 4 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
MATEO 5:5 “Pinagpala ang mga mapagpakumbaba,
sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
MULI po tayong magnilay ng Salita ng Diyos mga kapatid.
ANO ANG IBIG SABIHIN NG PAGPAPAKUMBABA SA BIBLIA?
Inilalarawan ng Bibliya ang pagpapakumbaba bilang
a). "kaamuan
b). kababaan ng loob
c). kawalan ng sarili.
d) . kababaan ng pagiisip
Ang kapakumbabaan ay saloobin ng puso, hindi sa panlabas lamang. Maaaring magpakita ang isang tao ng panlabas na kababaang loob ngunit ang puso ay puno ng pagmamataas at kayabangan.
Sinabi ni Jesus na ang mga "aba sa espiritu" ang makapapasok sa kaharian ng langit (Mateo 5:3). “Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos,sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.
Ang maging aba sa espiritu ay nangangahulugan na ang mga tao lamang na umaamin sa kanilang kawalang kakayahan sa espiritwal ang magmamana ng buhay na walang hanggan. Kaya nga, ang pagpapakumbaba ay isang katangian na taglay dapat ng isang Kristiyano.
Ipinangako ng Diyos na Kanyang ipagkakaloob ang biyaya sa mga mapagpakumbaba habang sinasalungat naman ang mapagmataas. (Kawikaan3:34) "Ang mga palalo'y kanyang kinasusuklaman,
ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban."
(1 Pedro 5:5) "5 At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.”
Kaya nga, dapat tayong magsisi at isantabi ang pagmamataas. Kung itataas natin ang ating sarili, inilalagay natin ang ating sarili bilang mga kasalungat ng Diyos na sa Kanyang biyaya ay ibababa tayo para sa ating ikabubuti. Ngunit kung ibababa natin ang ating sarili, pagkakalooban tayo ng Diyos ng mas maraming biyaya at itataas Niya tayo.
KAPAG TAYO'Y NAGPAKUMBABA, SI KRISTO ANG MATATAAS!! , PURIHIN ANG DIYOS. ( JESUS BE THE CENTER)

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top