What's new

Daily Bread (April 20 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HUWAG MAGKAROON NG SAGUTIN KANINUMAN, MALIBAN SA PAGMAMAHAL"
(ROMA 13:8)
8 Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad na sa Kautusan.
Napakagandang talata, ang sabi po ay huwag tayong magkaroon ng sagutin kaninuman.
Kung bawat isa ay nagmamahalan, walang magiging problema sa isat isa, magiging napakaganda ng takbo ng mundo, dahil walang sinumang maaapi at masaktan. Kaya sinabi na natupad natin ang kautusan kung tayo ay nagmamahalan... kapag itinuloy po natin sa susunod na mga talata ganito po ang mangyayari.. 9 Ang mga utos gaya ng, “Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba;” at alinmang utos na tulad ng mga ito ay nauuwing lahat sa iisang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 10 Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan... Hindi natin gagawin sa ating kapwa ang anumang bagay na ayaw nating gawin sa atin ng ating kapwa.
Mga kapatid, magkaroon tayo ng sagutin sa isat isa at ito ay walang iba kundi ang pag ibig.
PURIHIN ANG PANGINOONG HESUS!

English Ver.


"DO NOT HAVE AN ANSWER TO ANYONE, EXCEPT FOR LOVE"
(ROMANS 13: 8)
8 Have nothing to do with anyone, except to love one another, for he who loves his neighbor has fulfilled the law.
Very good verse, it says we should not have to answer to anyone.
If everyone loves each other, there will be no problem with each other, the world will be very good, because no one will be hurt and hurt. So it is said that we keep the commandment if we love one another ... when we continue in the next verses this is what will happen .. 9 Commandments such as, “Thou shalt not commit adultery; do not kill; do not s†éál; do not covet another's property; ” and any commandment such as these all end in one commandment, "Thou shalt love thy neighbor as thyself." 10 He who loves does no wrong to anyone, so love is the fulfillment of the Law ... We will not do to our neighbor anything that we do not want our neighbor to do to us.
Brethren, let us be accountable to one another and this is nothing but love.
PRAISE THE LORD JESUS!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top