What's new

Tutorial Crossfire BR Offline

Rosie Jizal

Eternal Poster
Joined
Mar 4, 2016
Posts
833
Reaction
314
Points
306
Dahil may nagpost ng Crossfire NA offline, ipopost ko na rin to, galing kay Master.

I-scan nyo nalang din pagkatapos ma download kung wala kayong tiwala, wala naman ako problema dito naka ilang full scan na ako.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Mga kailangan:
WinRar o 7Zip
Syempre ang files.

1. Idownload niyo ang Crossfire Master VH.7z sa link na binigay ko.
2. Hanapin ang file at iextract sa kung saan nyo gusto.
3. Hanapin at i-open ang GameServer.exe at LoginServer.exe sa na extract na files.
4. Hintayin na lumabas ang: "The Emulator Still WIP Please Expect Any Bugs" na lalabas sa dalawang .exe na inopen. [Note: mag-oopen ang chrome o kung anong default browser nyo at sa search bar puro xxxxxxxxxxxxxxxxxxxv ang nakalagay. I-close nyo lang, di ko alam ano meron jan.]
gameservers.png

Loginservers.png

5. Hanapin ang Patcher.exe at i-open ito. Kapag sinabi na sa console na Crossfire Started o Hope you enjoy the bypass maghintay lang.
pâtchers.png

6. Maglog-in gamit ang User: master Password: master
7. Piliin ang Crossfire Master na server.
Dapat piliin ang pinakaunang 476 na server, yung may mas malaking blue bar. Kung kayo ay na stuck dito pagkatapos piliin ang 476, iclose nyo ang laro kasi di na yan gagana, Alt +F4 or Alt + Tab tapos close window, or gumamit ng task manager. Di nyo kailangan iclose ang naka open na loginserver at gameserver na exe. I-open mo lang ulit ang Patcher.exe at maglog-in ulit. Siguraduhin na unang 476 ang pipiliin.
pâtchers.png


May mga problema lang ito kasi di pa kompleto talaga. Una, kada log-in mo, dapat bumisita sa storage kasi di naka save ang nakalagay na weapons sa Bag mo, kailangan mo rin pumunta sa settings, sa Deukhen(Controls) at sa Khac(Varios) at ireset ito. Ang reset ay nandun sa lower left corner ng settings menu, yung pinakadulo na button.
Pangalawa, kapag naglalaro kayo, naghahang sya ng 2 seconds at babalik at babalik yan habang naglalaro ka.
Tatlo, bot match lang dapat mo laruin kasi kapag nagtry ka gumawa ng lobby, di ka na makakalaro, at minsan di ka makakaclick ng kahit ano.
Apat, Ship TD at Egypt TD lang malalaro na map kasi sa ibang map di gagalaw ang bots. 3 yung map na gagalaw ang bots pero nakalimutan ko pangalan ng pangatlo.

Siguraduhin lang na AI match ang lalaruin mo.

MALAKING NOTE! Wag maglalaro na naka-on ang Internet o Wi-Fi kasi maghahang sa log-in screen ang laro.

Edit: Sa Mega Lotto, di nyo na kailangan bumili ng ticket pang spin, di rin kayo makakabili. Tumingin-tingin lang kayo sa mga prize at kung may natipuhan kayo, pumunta kayo dun sa Crate Storage kung saan nakalagay ang mga "ticket" para makaspin at dun kayo magspin.

Kapag nakuha nyo ang prize sa Lotto, di nyo ito makukuha kaagad, kailangan nyo iclose ang laro nyo at bumalik para makita ito sa Storage, pareho sila sa Shop na kung bibili ka, di mo magagamit agad kung di ka magrerestart ng laro.


Update: May updated version pero di ko napagana ulit simula nung na delete. Nasa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang file. Download lang, extract, pagkatapos ay i-copy ang files na nasa loob ng UpdateCFM folder papunta dun sa Crossfire Master VH folder at ireplace. Same procedure lang sa old version, or pindutin nyo lang yung CFLauncher.exe, pindutin ang start.

UPDATE (09/20/20): Napagana ko ang updated version.
1.) Download nyo lang ang old version at ang new version sa mga link na binigay ko sa taas. (Kung meron na kayo ng old version wa nyo na idownload ulit, pwede nyo dun ilagay.)
2.) I extract ang mga nadownload na files.
3.) Hanapin ang UpdateCFM na folder.
4.) Siguraduhin na naka show ang hidden items nyo kasi dito pala ang problema.
5.) I-copy or i-cut and files na nasa UpdateCFM folder papunta sa Crossfire Master VH folder.
6.) Sundin lang ang nasa taas para makapaglaro, pareho lang sila ng methods.

NOTE: Sira ang ibang baril gaya ng Barret Iron Shark at ang gold version nito. May isa ding Barret na nasa mega lotto na may sira. Ang scope nila ay missing. Wala din pala ang laser ng Iron Shark.

Happy Gaming!
 

Attachments

Last edited:
salamat d2 sobb, kya lng po di ko makita link na bigay nyo.. newbee lng po kasi me.. di po ba pwede mabasa at ma dl yun link sobb?
 
Tatanggalin ko nalang pagkaspoiler.

Update: Di ko na ma-edit ang thread kaya ilalagay ko nalang dito.
Old Version: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Updated Version: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Gaya ng sabi sa thread, kailangan mo ang old version kung maglalaro ka sa new.
 
Last edited by a moderator:
Sa mga di pa Established Member

Di ko na ma-edit ang thread kaya ilalagay ko nalang dito.
Old Version: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Updated Version: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Gaya ng sabi sa thread, kailangan mo ang old version kung maglalaro ka sa new.
 

Similar threads

Back
Top