What's new

Closed Creepy Stories

Status
Not open for further replies.

lunatic

Army of the Galaxy 👨‍💼👽👌
Joined
Feb 14, 2017
Posts
10,326
Reaction
4,748
Points
2,794
#AstérCreepypastaStories

Creepypasta Stories: PART IV (Last Part???)

•Smile Dog

FB_IMG_1571824836779.jpg


If there's any story on this list that best captures the message "be careful what you wish for," Smile Dog is it. Una itong nakita sa /x/ paranormal board on 4chan noong taong 1992.

The story focuses on the experience of a young writer who, where attempted to interview a woman identified only as Mary E. Na pinaniniwalaang naka-experience rin daw sa internet legend na "smile(.)jpg" or "Smile Dog". Naniniwala ang marami na kapag nakita ang actual na imahe ni Smile Dog ay maaaring mag-cause ng insanity, na maaaring mauwi pa sa suicidal thoughts.

Kilala si Smile Dog bilang bloodthirsty, dangerous at walang awa sa mga nabibiktima nito. Palagi lamang itong nakangiti na tila ba ay may gusto siyang makuha sa kaniyang nakakasalamuha. Pero once na hindi ito napagbigyan sa kaniyang gusto, tumakbo kana dahil siguradong papatayin ka sa takot ng mga ngiti nito. Ang tanging layunin lamang ni Smile dog ay ang ikalat ang nakakatakot na taglay nito. Syempre as wider as he possibly can. Patayin lahat ng mga humahamon at humahamak sa kaniya. At syempre, mag-enjoy habang kinakaladkad sa impyerno ang mga kawawang biktima nito.

In case you were wondering, the story does come with an accompanying image, pero nakasisiguro ako na, ayaw mo ng makita ang picture once na nabasa mo ang buong istorya nito. Though, in the end, you may not have a choice.

I'm not so familiar with this creepypasta story. Kaya kunting info lang nailagay ko. Pero I'm sure, hindi ka magsisisi kapag nabasa mo yung whole story.…..

•Expressionless

FB_IMG_1571824841294.jpg


Si Expressionless ay katulad rin sa mga normal na mga babae. Sa tangkad, sa postura, talaga namang tulad nang sa tunay na babae. Pero ang talagang kakaiba sa kaniya ay ang mukha nito.

Si Expressionless ay maihahalintulad sa isang Mannequin. Pero may kakayahang gumalaw at umakto bilang isang tunay na tao. Ang mukha nito ay parehong pareho sa imahi ng isang mannequin. Walang mga eyelashes at tadtad ng makeup ang mukha nito. Ang kaniyang buhok ay kulay itim na abot hanggang tenga lamang ang haba. Ngunit ang mas nakakabahala ay ang mga malalaking ngipin nito, na sadyang matutulis rin. Sa katunayan, sa sobrang haba ng mga ngipin nito ay halos hindi na niya maisara pa ang kaniyang bibig. Nakasuot ng kulay puting hospital gown na may mga bakas na rin ng dugo. Ito ang naging dahilan kung bakit sikat si Expressionless sa mundo ng creepypasta.

Sa kwento ni Expressionless, noong 1975 ay napaadan siya sa Sinai Hospital sa Los Angeles, California. Pumasok siya sa loob ng Hospital habang nakasabit sa mga matatalim na ngipin nito ang isang kawawang pusa. Matapos maalis ang pusa sa kaniyang bibig ay nagsimulang ma-collapsed itong si Expressionless. Agad naman siyang inasikaso ng mga Nurse at Doctor. Nabahala ang lahat sa postura ng babae.

Mula sa kalmadong babae noong una ay nagpasimula itong magwala. Kaya naman mabilis siyang pinakalma ng mga doctor, pati na rin ang mga kasama nito. Kakaiba ang lakas nito. Tumawag na rin ng mga police ang gwardiya ng Hospital.

Sa patuloy nitong pagwawala ay napangiti ito na para bang nanloloko. At mula rito ay bumungad ang matatalim nitong ngipin. Mas lalo pa nilang hinigpitan ang paghawak sa nagpupumiglas na babae, ngunit hindi sapat ang lakas nilang lahat. Hanggang sa nakakuha ito ng pagkakataon, at agad na sinakmal ang leeg ng isang doctor. Nagkalat ang maraming dugo sa lalamunan ng doctor, at dito na nga ay nagsalita ang babae. Siya raw ang diyos sabi nito.

Nakawala siya sa pagkakahawak ng mga staff at marahang nagtungo sa kinatatayuan ng mga guwardya. At doon nga'y mabilis na nakatakas si Expressionless sa hospital. Matapos ang pangyayaring ito ay nagsagawa ng isang action upang hanapin itong si Expressionless..…

•The SLENDER MAN

FB_IMG_1571824845557.jpg


Ofcourse, ano ba naman ang creepyapasta kung wala ang pinakasikat na karacter na ito.
This pale, faceless ghoul had his own movie and video game series. He haunted the forums of the internet with his finely pressed suit and unnaturally long limbs. Una siyang nakilala taong 2009, gawa ng isang artistna si Eric Knudsen.

Now, taong 2009, isang web forum (something awful) ang siyang isinagawa. Isang pa-contest sa mga users na sa pamamagitan ng pag-edit sa kanilang mga daily captured photograph including the appearance of something paranormal. Nag-submit ng dalawang black-and-white picture itong si Knusden. Sa photo, makikita ang mga bata kasama ang newly character na si "Slenderman", na makikitang patago sa may background.
Ayon kay Knudsen, si Slenderman ay isang abnormally tall man, payat at walang mukha. Dagdag pa niya, inspiration niya ang "The Mist" ni Stephen King.

Kaiba sa ibang mga creepypasta stories, si Slenderman ay hindi isinalaysay ng naka-encounter niya, kundi isang pseudo-historical look. This monster's history with humanity is tied into several other creepypastas. Kilala siya sa pang-stalk nito sa kaniyang mga biktima ng ilang taon bago niya ito tuluyang atakihin. Ang kaniyang target ay ang utak ng isang tao. Tinatakot at ginagambala niya ang kaniyang biktima hanggang sa mauwi nga sa insanity. Kilala siya hindi lamang bilang isang demonyo, kundi isang napaka-delikadong nilalang.

May dalawa na sinasabing katangian itong si Slenderman pagdating sa kaniyang mga biktima. Una ay nakikita ang ilang niyang mga biktima na nakasabit sa mga puno at nawawala ang mga lamang loob ng mga ito. Walang kaawa-awa talaga. May nagsasabi naman na hindi sa ganitong paraan kundi sa mental na pamamaraan. Nililito nito ang kaniyang biktima hanggang sa hindi na nito makayanan. Kaya naman, kung tuluyan na nitong nakuha ang isip ng kaniyang biktima, ay dinadala nito sa lugar na walang nakakaalam.
Isang malaking misteryo itong si Slenderman. Siya ay may postura na parang tao, pero hindi ugaling tao.

May mga kwento rin na ikinakabit itong si Slenderman, tulad ng The Tall Man at ang Marble Hornets video.
Kadalasang mga bata ang nagiging biktima ni Slenderman, maging ng mga taong interasado sa kaniyang existence. Bagaman, walang patunay kung nasaan at kung anong nangyari sa katawan ng kaniyang mga biktima, sa kadahilanang wala pang nakakatakas sa kaniyang patibong.

Sa totoong buhay, naging sentro rin ang creepypasta karacter na ito sa isang assault and subsequent criminal case noong taong 2014. Kabilang ang tatlong babaeng nasa edad na labing-dalawang taong gulang. Mga kabataang galing sa Wisconsin na sina Anissa Weier at Morgan Geyser, kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Payton Leutner. Ayon sa kwento, biniro daw ng dalawa ang kaibigan nilang si Leutner na tumungo sa gubat habang naglalaro ng hide-and-seek.

Sa isang report na isinantabi na si Slender Man ang salarin, sinaksak raw ng dalawa si Leutner ng 19 na beses at iniwan ang katawan nito sa crime scene. Pagapang na sinuong ni Leutner ang kagubatan patungo sa may highway, at doon nga'y natagpuan siya ng isang cyclist. Dinala naman siya sa hospital at doo'y unti-unti siyang naka-recover sa kaniyag injuries.

Makalipas lamang ang ilang araw matapos ang krimen, agaran namang dinakip sina Weier at Geyser and tried for attempted second-degree murder. Nito lamang 2017, nasintensiyahan si Weier ng 25 years sa isang mental institution, habang ang kasabwat nitong si Greyser ay nasintensiyahan naman ng 40 years sa mental Hospital noong nakaraang taon (2018)...………
..
Marami pang mga creepy stories ang mababasa sa creepypasta. Patunay lamang na malilikot ang imahinasyon ng mga tao. Sa pamamagitan ng internet, naipalalaganap ang mga kakaibang kwento sa atin. I love reading creepy stories rin kasi eh.

For more Creepypasta stories, ilalagay ko sa ibaba yung link para ma-visit niyo din sila.
I wanna thank you din guys for supporting this article since Part 1. Kayo mag-decide, Last part na ba ito?

Happy Spooky season!

"Reveal what the Fact is"

•Astéri

www(.)creepypasta(.)com

Source of DeepWeb PH😊
 

Attachments

nabasa ko na... medyo di naman sya nakakatakot pero siguro kung isasabuhay yun kwento sa pelikula nakakatakot.. 😅
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top