What's new

Covidyante

tingin ko lulubog na ang pilpinas sa kasakiman ng mga tao dito. covid pa ng covid san naman nila nakukuha ganun kadaming cases? tapos naglalabasan na yung katotohanan na pinapa admit ng mga doctors na covid yung patient kahit iba ang sakit, kahit na dilat na dilat na ang tao sa katotohanan di pa rin matapos. Lets see pag nagkapalitan na ng presidente kung ano mangyayare
 
Palpak kase si dutae sa pag hundle ng pandemic kaya eto tayo ngayon naghihirap
 
Himala nalang kung ang susunod na presidente ay may magagawa. Buong mundo na kasi kontrolado ng mga elite na gahaman. Lalo na yang pharma industry
 
Some cases may ganyan ngang nangyayari pero ang tanong gaano sila karami na nandadaya ng covid result? Totoong may covid pero di makatotohanan ang bilang ng mga may totoong may covid?.. Siguro maliliwanagan lng tayo pag bumigay na ang health system ng Pilipinas..

Sa mga hindi naniniwala sa Covid sabihin mo yan sa ibang bansa na sa isang bansa hindi bababa sa tatlong libo ang namamatay.
 
Nakakahiya man sabihin, ang Pilipinas ang isa sa pinakamababa ang accuracy with respect sa COVID-19 stats lalo na sa daily reports simula pa last June'2020 sa dami ng backlogs. Kaya kakapain mo na lang sa takbo ng trend sa graphs sa weekly basis para makita kung ano na yung kondisyon natin kumpara sa ibang mga bansa at sa pangkalahatan. Hindi man 100% accurate, madali namang intindihin.
1617866872986.png

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
From January to February, paganda na yung sitwasyon sa mundo at biglang lumala ulit bago matapos yung Pebrero. Kung hihimayin natin yung mga factors kung bakit yung iba ay nakaka-recover (o napapababa na yung new cases) at yung iba naman ay hindi, lalabas kung saan tayo nagkukulang o nahuhuli. Halimbawa, yung US nakakaraos na kaunti at yung UK na pinanggalingan ng mas nakahahawang variants ay hindi naapektuhan ng world trend sa pagtaas ng new cases, may ginawa silang paraan - isa na yung malawakang mass vaccination. Parehas din yan ng Indonesia na mas marami sa a atin ang total cases, pero sa ngayon ay napabababa na nila yung active cases nila as of February pa. As of April 7, 2021, ay 9,187,757 ang nabakunanahan nila para sa COVID-19. Tayo, as of April 5, 2021 ay 922,898 pa lang. Malaking bagay yon! Yung pagkalat kasi ng sakit na ganito, madali kung kaunti lang yung nahahawa pa at kapag maramihan na ay di na uubra yung dating nakagawian dahil mas matagal ang epekto at lumiliit ang tsansang makabawi kung limitado ang resources (tao, gamit, kakayahan.....). Para yang sunog na problema ng bumbero he he. Kaya ang last resort na lang ay ibsan ng kaunti ang pagkalat hanggang makakaya at ituon ang pansin sa population immunity at maximizing vaccination kahit pa lumiliit habang tumatagal yung efficacy ng pangkasalukuyang vaccines dahil sa patuloy na pagbabago ng COVID-19 variants. Standard procedure naman yan sa kahit anong epidemya. Medyo mabagal lang yung ating pamamaraan kaya nagiging kulelat tayo kumpara sa ibang bansa sa Asya. Pasensiyahan na lang siguro at dito tayo nakatira.
 

Attachments

Last edited:

Similar threads

Back
Top