What's new

Covid Vaccine

Ano po pinakamaganda and effective na vaccine in your opinion. Sa mga vaccinated pa share naman ano experience ninyo. Medyo hesitant pa kasi and nagiisip pa kung ano pipiliin e. Salamat.
 
About sa tanong mo kung ano magandang bakuna.. pede ka mag google para malaman mo efficacy ng bawat bakuna para safe.

Ito opinion ko lang wag masyadong mapili sa bakuna hanggat merong bakuna sa brgy o syudad mo i grab mo na agad. Para iwas covid at ligtas ang pamilya.

Sa side effects naman ng bakuna.. minimal lang naman sasakit ulo mo. Fatigue. Pero inuman mo lang ng paracetamol ok kana
 
Depende po yan medical history mo, Doctor magsasabi sayo kung ano dapat ituturok. Basta wag kang mag sinungaling kung may sakit ka or nagkasakit ka before sabihin mo.
 
Astra Zeneca, yong vaccine namin kasi yon pa lang ang available.
Meron talagang minor side effects depende sa reaksyon sa katawan ng isang tao.
 
sinovac sa fam ko. wala kame naramdaman kahit anong side effects. at muka naman effective kasi wala na nag ka covid samen. nag ka covid kame buong fam before vaccination awa ng Diyos okay naman kame lahat. pa vaccine kana paps. mas magandang may protection!
 
About sa tanong mo kung ano magandang bakuna.. pede ka mag google para malaman mo efficacy ng bawat bakuna para safe.

Ito opinion ko lang wag masyadong mapili sa bakuna hanggat merong bakuna sa brgy o syudad mo i grab mo na agad. Para iwas covid at ligtas ang pamilya.

Sa side effects naman ng bakuna.. minimal lang naman sasakit ulo mo. Fatigue. Pero inuman mo lang ng paracetamol ok kana
Kaya nga po. halos laging available po kasi dito sinovac, and base sa research ko almost 50% lng efficacy niya, may mga dumaan na iba kaya lang medyo kinakabahan pa ako kasi yung iba daw malala side effect. anyway thank you po sa advice.
 
Kung opinyon lang naman ay mas maganda pa rin para sa akin ang mga US made na vaccines kagaya ng pfizer, etc.
 
Kung ano available, kunin mo na. Mamili ka na lang kapag booster na. Sa akin, Sinovac binigay pero malamang Pfizer kukunin ko pag booster shot na.
 
mRNA vs Inactive Virus vs viral vector vaccines. For me mas good ang mRNA kay di active virus ito kundi fake virus sya, replicated nyalang yung style ng covid strand pero walang virus nakalagay. For me mas good to. Pfizer nga vaccine sakin okay naman sya kahit yung moderna.
 

Similar threads

Back
Top