What's new

Construction Estimate Guide

Status
Not open for further replies.

conviction

Forum Guru
Joined
Apr 24, 2013
Posts
5,124
Solutions
6
Reaction
7,407
Points
1,982
Disclaimer: Always seek allied professionals para sa tamang designs from functions ng areas/circulations (sa arki), to structural electrical plumbing and mechanical systems etc

Dahil mahilig ako manood sa mga professionals sa YT

✔️Pang students, homeowners para aware kung ilan pumapasok na materyales base sa volume or area
✔️at mga contractors nadin para di malugi :ROFLMAO:

Dahil lahat may dream house umpisahan naten sa...

1. HUKAY

☑️ ito yung excavation para sa pundasyon ng bahay/gusali
☑️ bago maghukay dapat may plano na sinusundan
☑️ dapat malinis na yung area owkey mga pappy
☑️ para ma asintada ng tama ang mga centro ng poste?
☑️ kailangan muna maisetup mga peanut butter boards (mais joke :p)
☑️ or pag napasyal ka sa Sagada yung tinatawag na "battered" chicken (mais ulit)
batter.jpg
☑️ kailangan lang malaman yung lalim at laki ng pundasyon na huhukayin
hukay.png
☑️ kung sobrang lalim merong working space na dagdag sa mga gilid
☑️ kung madaming budget iba may pormas pa
☑️ pero kadalasan kung ano sukat ng sapatos (footing) yun na yun :ROFLMAO:

Sample Estimate:
A. Footing Excavation
width: 1.20meters
length: 1.20meters
height: 1.20meters
sets: 8pcs

1. Kunin mo lang Volume:
✔️1.20meters (W) x 1.20meters (L) x 1.20meters (lalim)
=1.728 cu.m x 8sets
=13.824 cu.m
✅ ito yung dami ng huhukayin

2. Ilang oras kailangan?
✔️ Assume naten na kamay at walang equipment na backhoe
✔️ syempre may pala 🥄
✔️ Kunin lang naten yung productivity rate (yun kung updated padin :p)
=6MH/cu.m (6 man hour)
kamay.png

multiply naten sa volume kanina
=13.824cu.m x 6MH/cu.m
=82.944 MH
✅ ito yung total na oras para matapos yung paghukay

3. Ilang araw matatapos?
✔️ assume naten na dalawang tao maghuhukay
✔️ sabihin na naten 8hours per day lang sila
✔️ meron kanang 16Manhours per day sa dalawa

divide naten
=82.944MH / (16MH/day)
=5.184 days or✔️ 6days
✅ sa anim na araw mahuhukay nila dapat yung 8sets na pundasyon :LOL:

4. Magkano gastos mo?
✔️ depende kung magkano daily rate ng makukuha mo na tao para maghukay
✔️ assume naten ₱400-500/day

Multiply mo sa nacompute mo na araw
2 x ₱400 = ₱800 x 6days (or 2 x ₱500)
=₱4800 to ₱6000 (sa paghukay lang sa anim na araw)
✅ idagdag mo pa meryenda ng dalawa :ROFLMAO:

5. Backfill?
✔️ dahil matagal pa naman at may curing periods
✔️ isama mo nalan sa estimate kung namamakyaw ka ng projects

Countercheck naten sa excel
✔️hindi naka round off pero at least may idea na magkano aabutin :LOL:
hukay_guestimate.jpg

2. TRABAHONG BAKAL (STEELWORKS)​

✔️ pag tapos kana sa butas
✔️ ihanda na mga bakal

Sample Estimate:
A. Footing Rebars
width: 1.20meters with 16mm Ø @ 0.20 o.c.
length: 1.20meters with 16mm Ø @ 0.20 o.c.
height: 1.20meters
thickness: 0.35mm
sets: 8pcs

1. Tignan lagi detalye sa plano (structural)
✔️ kung hindi nakalagay ang bilang ng bakal pero...
✔️ nakalagay sa plano ay spacing ng bakal?

sample top view (not related sa problem)
✔️ idea lang ito mga pappy
bakal.png

formula:
(width-cc) /spacing=pcs +1
(length-cc) /spacing=pcs +1
cc=concrete cover (0.075m or 75mm) x 2 (kasi kabilaan)

a. Ilang piraso kada sides
Unahin naten sa Width (binawas nadin yung kapal ng bakal)
✔️ [1.20 - 2(0.075) - 2(0.016)] / 0.20
=5.09 + 1
=6.09 say 6pcs

sa Length (concrete cover lang naibawas)
✔️ [1.20 - 2(0.075)] / 0.20
=5.25 + 1
=6.25 say 6pcs

b. gaano kahaba ang bakal?
x
= Width - 2(concrete cover) + 2(16d hook)
d=diameter ng bakal (16mm or 0.016m)

sa Width (shorter span)
✔️ 1.20-2(0.075) + 2(16d)
=1.20 - 0.15 + 2(16 x 0.016)
= 1.562 say 1.56m

note:
hindi na naten binawas yung elongation sa pagbend sa hooks
✔️ at estimate lang naman :ROFLMAO:

dahil parehas naman ang sukat sa shorter side at longer side

✅ total 12pcs na 1.56meters sa isang footing x 8 sets = 96pcs

c. ilang bakal bibilhin
✔️ dahil kadalasan nabibili sa hardware na haba ng bakal ay 6m (ibang haba 7.5m, 9m, 10.5m, 12m)
✔️ pero kung available sa lugar nyo ibang haba pwede

6meters length
check naten sa 6m ilang piraso mapuputol naten na 1.56m
=6m/1.56m
=3.846 pcs
=✔️ 3 pcs lang magagamit
=may sobrang 1.32meters (wastage or gamitin nyo nalan pang extra bars or cut bars)

kung sa 12 meters naman may wastage na 1.08meters (yun kung available sa inyo)

=total pcs/no. of pcs na makukuha
=96/3
=32 pcs

say ✅35pcs na 16mm Ø x 6meters length

d. pantali (#16 gi wire) or tie wire
✔️ kunin lang mga intersection ng bakal x 0.30m na haba divided by 53meters = kilo ng gi wire

=(6 x 6 x 0.30) / 53
=0.203kgs x 8 sets
=✅ 1.63 kgs #16 gi wire

countercheck sa excel
✔️ yun pwede :ROFLMAO:
ftg_estimate.jpg

Sample computations sa taas wala pa gaano contingency

Kung Homeowner ang gawin pag may maestimate ay hatiin muna bibilhin at wag bilhin lahat at kada progress ng trabaho pag mapansin na paubos na ang stock sa bodega saka ulit bilhin para sa kulang.

Kung contractor mark up sa price or add on nalan kayo sa maestimate.

good luck mga pappy sa projects nyo

:coffee:
 

Attachments

Oi hindi about sa trading😆
Bago to ah😆😆
oist silencio lang pappy, mentenance thred to pang esta. :LOL: pero relate padin yan sa trading, need mo magplano

ok gags en jok tym ulit :ROFLMAO:
tradingislife.gif


nice

pwede makahingi ng link po ng reference mo sir sa pagcompute ng productivity

search mo lang pappy productivity rate nakita ko din lang (y)
rate.jpg
 

Attachments

CE students here gagraduate na sa may ang ganda ng content mo Sir😭. Sana damihan mo pa never ko natutunan yan sa school HAHAHA
 
CE students here gagraduate na sa may ang ganda ng content mo Sir😭. Sana damihan mo pa never ko natutunan yan sa school HAHAHA
congrats in advance! kunting kembot nalan, sabak na sa real world battle arena, sana maging bagong heroes
kayo para maging safe mga kabahayan at imprastraktura dito sa pinas (y)

actually matututunan mo din lahat pag nasa field, dry run ko lang kung may intiresado sa ganitong topic pero mukhang wala kaya as usual tinamad nako ituloy :ROFLMAO:

good luck sa journey mo Engineer! :)
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top