What's new

Confused ako kung mahal pa ba talga ko ng bf ko

baligtad naman saken. yung gf ko parang hindi ko na gf. hehe naaalala lang ako pag manghihingi ng load. last week pa ako nag-pm sa kanya pero seen lang. hinayaan ko lang tutal sanay na ko. mukhang masasayang lang ang 6 na buwan na relasyon. tsk!
 
giphy.gif
 

Attachments

Pasalamat ka may ganyan kang bf may care parin sayo, nawawalan Lang Yan nang gana per Mahal ka parin niyan dahil nagtetext pa. Minsan esurprise Morin para maganahan
 
basta gawin mo nalang ng best mo para wala syang masabi sayo kung may problemam man wag na mag taas ng pride, communication is the key
 
baka naman kasi may ibang pinag kakaabalahan like games or anything parang ako lang dati busy sa games or surf sa net or pwede mo naman sya tanungin about dyan may karapatan ka since gf ka nya. ilang buwan ba sya nanligaw sayo? mapifeel mo naman kung ano e. btw goodluck sainyo
 
parang signal ng internet yan lods.. may times na boring yung days pero hindi ibig sabihin hindi ka na niya mahal.. may priorities din siya sa kaha hindi ka niya masyadong nafofocus.. wag po mawalan ng pag asa mahal ka pa din niya..
 
Normal lang yan kasi bf mu na eh kampante na yan. Try mung di itext ng isang linggo yan at wag sagutin sa video call tignan mu magiging sweet yan ulit. Hehehe, ganyan ako dati sa gf ko eh. Asawa ko na ngayun. Hehehe
 
Pag malungkot ako, sasabihin niya malungkot na naman ako. Ako naman parang nanliliit sa sarili ko. Hindi ko maexpress sarili ko kasi sasabihin niya na ang drama ko masyado dapat smile lang daw.
baka meron na ng iba, kami nga ng gf ko five years na kami til'now, nagawa pa akong lokohin gumawa ng new account nakablock ako sa new account niya real name niya ginamit niya naka block lahat ng mga relatives, ng madiskobre ko new account niya in a relationship siya 1 month na, nag celebrate pa sila ng Valentine's,, nasasaktan talaga ako ng sobra sa tuwing nagko confess ako sa ibang tao,, naaalala ko lang kasi lahat ng buong puso kong pagmamahal at tiwala ng inalay ko sa kanya,, pero sa kabila ng lahat nagpatawad parin ako, pero di na ako tulad ng dati na buong tiwala sa kanya lagi na ako may pag dududa,, para pakiramdam ko na uulitin niya pa yun sakin.
 
Ikaw po gumawa ng paraan sigurado alam mo naman kung ano yung mga gusto niya gawin at mga ginagawa biya kung mahilig siya za online game pwede mo siya sabayan maglaro kadin. And maging open minded lagi para hindi naalis yung init sainyong dalawa.
 
Tanungin mo sya kung ano ka ba talaga sa buhay nya at kung anong lagay nyong dalawa. Ngayon kung walang masagot na "maayos" yan, tantyahin mo na sya sa buhay mo kung kailanganin mo pa ba sya.
 
I think this is normal based on my experience faq tagalog na nga lang 😊 Pag manliligaw kasi ang guy sa isang girl gagawin nila lahat para makuha ka and being sweet is part of it. Yung naging kayo na mababawasan yan kasi sa pagtagal niyo na maging syota papasok kayo sa stage ng makikilala niyo ang isa't-isa. Lalabas dian yung mga qualities na hindi mo alam na meron siya and dian mag-iistart yung mga away niyo. At dian ang darating na mag aadjustan kayo😊 pero di naman ibigsabihin na kapag nabawasan yung pagiging sweet niya is di ka na niya mahal kaya lang naman nabawasan yung pagiging sweet niya kasi sa alam niya na kayo na😀. Isang beses pa lang ako nag ka gf pero kayo kong ibigay yung hanap mo 😉😉
 
Back
Top