Check mo yung kable ng hdd mo, TS. Bunutin mo kabilaang dulo tapos isaksak mo uli, check mo rin kung maluwag yung saksakan sa motherboard, lipat mo sa ibang SATA port.
Kung ayaw pa rin magboot, ikabit mo sa ibang pc yung hdd (or pagawa ka ng bootable USB na may Hiren's BootCD PE at iyon ang i-boot mo), tapos sa Command Prompt (Admin) type mo chkdsk E: /f, (palitan mo yung E: nung actual na drive letter niya) pagkatapos niyan ibalik mo na sa pc mo at start mo na uli.