What's new

College crush (mahabang kwento lang)

smokre

Honorary Poster
Joined
Nov 30, 2021
Posts
463
Reaction
472
Points
185
Age
27
1st day nung college days ko nun nung una kong syang nakita.

nasa loob kami ng court kasi orientation nang mga first year nakapila kami par section. syempre wala pang kilala so tinitignnan ko lahat ng mga tao sa paligid. habang nag lilibot yung mata ko may nadaan yung mata ko sa katabing line na babae for some reason na stuck yung mata ko sakanya and hindi ko na realize na naka titig na pala ako sakanyan,
naalala ko nun naka T-shirt na balack maputi naka red liptint may hawak na pamaypay nakatali yung mahaba nyang buhok. nakikipag tawanan sa mga katabi nya. after ilang seconds na nakatingin ako sakanya tska lang ako naauhan at tumingin agad sa nag sasalita sa stage. pero binabalik balikan ko parin sya ng tingin.

sayang kasi nasa ibang section sya, pero oks lang since iisang course lang naman kami after 1 week nag bawas ng tao sa section namin dahil over crowded daw, isa ako sa mga napili ilipat. sad kasi naka close kona yung mga classmates ko eh. so nag lakad na kami palipat sa ibang room. pag pasok sa room laking gulat ko kasi andun yung babaeng nakita ko nung orientation. and surprisingly walang nakaupo sa tabi at sa harap nya. so naisipan ko umupo malapit sakanya. pero sa harap nya kasi masyadong halata pag sa tabi diba?

naalala ko nun sya unang kumausap sakin, syempre nag tanong bakit nalipat, so simula nun kinakausap ko narin sya nung una mga bati bati lang kwentuhan about sa hs life hangang sa naging close kami, lagi kami nag kekwentuhan magkasma pag lunch at mga break. sabay din kami umuwi nag aasaran at nag kukulitan, nagkakantahan kasi ang ganda ng boses nya.

bago matapos ang 2nd sem nagkasakit ako and hindi ako nakakapasok. nakakapasok hangang sa matapos ang 1st year namin nadrop karamihan kong subject pero nakapag secondyear parin ako for some reason kasi pinayagan ako ng dean namin ehewan koba, anyway so naging mag classmate ulit kami ni crush. kaso pag balik ng pasukan nabalitaan ko may boyfriend na sya.

sad ako pero wala eh ganun talaga e, simula nun hindi na ako masyadong sumasama sakanya kahit ayain nya ako. pero pag nakita kong syang nakasimangot o nag iisa nilalapitan ko sya para kulitin hanggang sa malaman ko na may problema sila ng jowa nya. tumagal yung sitwasyon nayun ng buong sem, bago matapos ang sem nagbreak sila syempre natuwa ako sabi ko "aamin na ako sa pasukan" pag dating ng pasukan ready na ako humahanap na ako ng tyempo. so sumabay ako ng uwi sakanya, habang nag lalakad syempre kinamusta ko sya. then nagulat ako kasi may jowa na daw sya bago.

ehdi syempre postpone nanaman ang pag amin ko. anyway alam kona na hindi na ako mag eenroll next year so umamin na ako sakanya nung katapusan ng 2nd year.

sinabi ko lahat na umpisa palang eh crush kona sya una ko palang nakita sya eh nagandahan na ako sakanya. bigla nya ako hinampas. umiiyak na sinabing," bakit ngayon mo lang sinabi". nagulat ako syempre pero natawa ako kasi ang ***** ko pala. sana pala umamin na ako dati pa.

ayun lang. iba na nagagawa ng boredom ko dito sa work kung ano ano naalala ko
 
Hirap talaga kalimutan ang masaklap na nakaraan kahit ilan taon man ang lumipas maaalalat-maalala mo parin.

Dahil pati ako ay minsan naalala ko parin ang crush ko nung hs (grade 8),(3rd year college na sana ako ngayon kung di ako huminto :() ang aking first love na mahirap kalimutan kahit hindi naman naging kami
 
pero marami pang dadaan na babae sa buhay natin hahaha
 
baka may part 2 pa to ts. buti ka nga nagkaroon ka ng pagkakataon na makausap at maging close kayo ng crush mo. ako yung ultimate crush ko nung high school ni hindi ko man lang nakausap. isa kasi sya sa mga sikat sa campus namin nun. pero sa tignin ko alam nya na gusto ko sya. pag may mga program sa school namin hinahanap ko sya hehe and ayun mayat maya kami nagkakatinginan pero wala e. naunahan ng hiya. isa sa mga biggest regret ko yun. kaya ngayon if ever man na may gusto akong babae, di ko na pipnapatagal. sinasabi ko na sakanila kasi ayoko na maulit yun. di ko nalaman kung may chance nga ba o wala
 
haaha same lods ganyan din ako ngayon pagmay nagustuhan ako sinasabi ko agad hahah
 
Hell yeah. I was stupid enough not to read the signs. Ayun may ibang nakabasa. Sayang. HAHAHAHAHA
 
naalala ko noong 1st year college ako lapitin ako nang mga shs, di naman ako kagwapohan.sa dami sana mga ano, pero di ko na follow up dahil busy kakalaro nang pldtplay. noong college din yun time na nagka crush sakin yung sikat na vlogger ngayun. muahaha
 
Similar threads

Back
Top