Good day po. Need ko po ng advice nyo, may ka nililigawan kasi akong babae at katrabaho ko sya ngayon at almost 4 months ko na sya nililigawan. Tapos nitong feb 16 naging mag m.u. muna kami kasi sabi niya sa akin "not yet" pa daw. Medyo mahaba yung story kung isasama ko pa dito. May problema kasi ako. 3 days ago. May nag chat sa aking babae, tapos ang pagkakamali ko lang, nireplayan ko. Kaya simula nun nag uusap na kami tapos panay react nya sa mga post ko. Tapos nag ppm na sya lagi sa messenger ko. Yung tipong gigising ako sa umaga na nag eexpect na yung nililigawan ko yung mag gogood morning sa akin pero sya pala, may time na tinatawag na nya akong baby. Kaya nasabi ko yun sa ka m.u. ko, binibiro pa nga nya ko nun eh sabi nya "palay na lumalapit sa manok, ayaw mo pa" syempre mas mahal ko sya kaya siya pipiliin ko kesa dun sa nangungulit na un sakin. Tapos nung mga sumunod na araw, bigla nyang nanlalamig sa akin, nag seseen na lang sa messenger tapos di na namamansin sa work, tapos kagabi nag chat ako dun pero ang tipid na nya mag chat tapos puro na lang seen. Tinanong ko kung may problema ba o dahil ba dun sa nag chachat sa akin. Sinabi ko lang naman un sa kanya kasi gusto ko maging open sa kanya at ayaw kong magtago ng lihim dun kasi nirerespeto ko sya at mahal ko sya. Kaso ngayon ang cold na nya sa akin. Any advice po? Ang bigat kasi sa pakiramdam eh, di na sya gaya dati na makulit din.