What's new

Climate Change at ang Kinabukasan Natin Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,554
Reaction
7,215
Points
2,569
“Sirang-sira na ang klima natin. Darating ang panahon na wala nang mabubuhay sa lupa.”—The Guardian.
Napapaharap tayo sa napakalaking problema na kagagawan ng tao. Naniniwala ang maraming siyentipiko na kagagawan ng tao ang global warming o pagtaas ng temperatura ng mundo. Dahil dito, nagkaroon ng pagbabago sa klima na nagdulot ng malalaking problema, gaya ng sumusunod:
  • Mas madalas at matinding pagbabago sa klima, gaya ng mga heat wave, tagtuyot, at mga bagyo, na nagdudulot ng mas maraming pagbaha at mga wildfire.
  • Natutunaw na mga yelo sa Artiko.
  • Pagtaas ng sea level.
Buong mundo ang apektado sa pagbabago ng klima. Matapos pag-aralan ang sitwasyon ng 193 bansa, sinabi ng New York Times: “Humihingi ng tulong ang planeta natin.” Dahil napakarami nang namamatay at naaapektuhan ng pagbabago sa klima, sinabi ng World Health Organization na ito ang “pinakamalaking banta sa kalusugan ng mga tao.”
Pero hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Inihula ng Bibliya ang mga pangyayaring ito. Sinasabi rin ng Bibliya kung bakit tayo makakapagtiwala na kikilos ang Diyos at kung ano ang gagawin niya para protektahan ang kinabukasan natin.

Katuparan ba ng hula sa Bibliya ang pagbabago sa klima?​

Oo. Ang pagbabago sa klima dahil sa global warming ay katulad ng mga You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Hula: ‘Ipapahamak ng Diyos ang mga nagpapahamak sa lupa.’—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Inihula ng Bibliya na darating ang panahong halos masisira ang lupa dahil sa kagagawan ng tao. Dahil sa global warming, napakalaki na ng pinsalang nagawa ng tao sa lupa.
Ipinapakita ng hulang ito kung bakit hindi tayo makakaasa na kayang solusyunan ng tao ang problemang ito. Pansinin na kikilos ang Diyos sa panahong “ipinapahamak ng tao ang lupa.” Totoo, gumagawa ng paraan ang ilan para solusyunan ang climate change. Pero anuman ang gawin nila, hindi pa rin nila kayang pahintuin ang mga tao na sirain ang lupa.
Hula: “Makakakita ang mga tao ng nakakatakot na mga bagay.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Inihula ng Bibliya na makakakita tayo ng “nakakatakot na mga bagay,” o mga pangyayari, sa panahon natin. Dahil sa climate change, napakaraming nangyaring nakakatakot na sakuna sa buong mundo. Sa ngayon, may mga taong nakakaranas ng eco-anxiety—ang matinding pagkatakot na tuluyan nang lalala ang mga problema sa kapaligiran at walang matitirang buhay.
Hula: “Sa mga huling araw, magiging mapanganib at mahirap ang kalagayan. Dahil ang mga tao ay magiging makasarili, maibigin sa pera, . . . di-tapat, . . . ayaw makipagkasundo, . . . taksil, matigas ang ulo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., at nagkaroon ng climate change dahil sa mga ugaling ito. Mas mahalaga sa mga gobyerno at negosyante ang pag-unlad ng ekonomiya kaysa sa magiging kinabukasan ng mga tao. Kahit sinisikap nila na magtulong-tulong, hindi pa rin sila magkasundo kung paano sosolusyunan ang global warming.
Ipinapakita ng hulang ito na hindi natin aasahan na magbabago ang lahat ng tao at kikilos sila para alagaan ang lupa. Sinasabi ng Bibliya na ang mga taong ito na makasarili ay “lalo pang sásamâ.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kung bakit tayo makakapagtiwalang kikilos ang Diyos​

Ipinapakita ng Bibliya na bilang ating Maylalang, mahalaga sa Diyos na Jehova You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang planetang Lupa at ang lahat ng nakatira dito. Tingnan ang tatlong teksto na nagpapakitang kikilos ang Diyos.
  1. 1.‘Hindi nilalang ng Diyos ang lupa nang walang dahilan, kundi nilikha niya ito para tirhan.’—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Gagawin ng Diyos ang lahat ng layunin niya sa lupa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi niya hahayaan na tuluyan itong masira o umabot sa puntong hindi na ito puwedeng tirhan.
  2. 2.“Ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan dahil sa lubos na kapayapaan. Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at titira sila roon magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Ipinangako ng Diyos na titira ang mga tao nang payapa dito sa lupa magpakailanman.
  3. 3.“Ang masasama ay lilipulin mula sa lupa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Ipinangako ng Diyos na aalisin niya ang lahat ng patuloy na gumagawa ng masama, pati na ang mga sumisira sa lupa.

Kung ano ang gagawin ng Diyos para sa kinabukasan natin​

Paano tutuparin ng Diyos ang mga pangako niya tungkol sa lupa? Gagamitin niya ang isang gobyerno para sa buong mundo na tinatawag na Kaharian ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Mamamahala ang Kahariang ito mula sa langit. Hindi ito makikipag-ugnayan sa mga gobyerno ng tao para solusyunan ang mga problema sa lupa at sa kapaligiran. Sa halip, papalitan ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng gobyerno ng tao.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Makikinabang ang lahat ng tao pati na ang kapaligiran sa mga gagawin ng Kaharian ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tingnan kung ano ang gagawin ng Diyos na Jehova sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian.
  • Aayusin ang kapaligiran
    Ang sabi ng Bibliya: “Ang ilang at ang tuyong lupain ay magsasaya, at ang tigang na kapatagan ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng safron.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Ibig sabihin: Aayusin ni Jehova ang planetang Lupa, kahit pa ang mga lugar na sinira na nang husto ng mga tao.
  • Pipigilan ang masasamang lagay ng panahon
    Ang sabi ng Bibliya: “Pinahuhupa [ni Jehova] ang buhawi; kumakalma ang mga alon sa dagat.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Ibig sabihin: Kontrolado ni Jehova ang lahat ng elemento. Hindi na muling magkakaroon ng masasamang lagay ng panahon.
  • Tuturuan ang mga tao kung paano aalagaan ang lupa
    Ang sabi ng Bibliya: “Bibigyan kita ng kaunawaan at ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Ibig sabihin: Ipinagkatiwala ni Jehova sa mga tao ang pangangalaga sa lupa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tuturuan niya tayo kung paano ang tamang pangangalaga sa lupa at kung paano mamumuhay nang hindi nasisira ang kalikasan.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Jehova ang personal na pangalan ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tingnan ang artikulong “You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Sinasabi ba ng Bibliya na masusunog ang lupa dahil sa global warming?​

Iniuugnay ng ilang tao ang global warming sa sinasabi ng Bibliya na “nakalaan sa apoy” ang lupa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero ipinapakita ng konteksto na ang talatang ito ay hindi tumutukoy sa literal na lupa o literal na apoy. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang artikulong “You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Ayon sa pag aaral matagal pa Masunog ang mundo dahil sa climate change thousand of years pa ang lilipas,kahit anong pigil natin diyan na wag mangyari ay mangyayari talaga yan end of the world di lang natin alam kong kilan.
 
Katapusan ng mundo o katapusan ng sangkatauhan?
Dalawang magkaibang bagay
If the word "mundo" refers to earth, then all these statements is incorrect, because earth has been here for 4.5 billion years now.. Species go extinct, not this rocky planet we are standing on
 
Ayon sa pag aaral matagal pa Masunog ang mundo dahil sa climate change thousand of years pa ang lilipas,kahit anong pigil natin diyan na wag mangyari ay mangyayari talaga yan end of the world di lang natin alam kong kilan.
And it is happening right now, tag tuyo na sa ibang bansa, mga hayop namamatay na :(

 
Last edited:
sa pinas global raining nagaganap, tiba-tiba yung mga planters dito samin.
hindi lahat ng lugar ganyan. merong ilang buwan na puro ulan sa ibang lugar sa pilipinas meron namang tuyot na ang kabukiran dahil ilang buwan naring hindi umuulan. siguro ngayon majority eh maulan/makulimlim dahil sa bagyo/low pressure.
 

Similar threads

Back
Top