What's new

CHINA aggression, Ano ba magagawa ng Pinas?

H1tsu

Honorary Poster
Joined
Nov 9, 2020
Posts
132
Reaction
307
Points
136
Guys grabe na talaga ang garapalan na panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pinas nasa bakuran na natin mismo at ang masama walang magagawa ang gobyerno natin kundi mag file lang ng diplomatic protest na wala naman pakialam ang China. Worst case scenario baka mauwi sa digmaan ang issue ng China at America at di malayong isa ang Pilipinas sa magiging battleground. Ngayon ang tanong ko Ano ba ang magagawa natin para matulungan ang gobyerno? Di naman natin kayang lumaban gamit ang bomba o gamit ang mga military assets dahil kahit isipin natin ng 100 times talo talaga tayo, sa anong paraan at least man lang malabanan natin ang China? Comment lang guys let the community know kung ilan ba sa PHC members ang may pakialam sa issue. Yun lang salamat. Mabuhay ang Pilipinas!
 
Wala talaga tayo magagawa jan paps, sa totoo lang mahirap kalabanin ang tsina anu ba panama natin sa kanila wala.
 
oo nga di natin sila kaya kahit anong larangan military, technology, economic, etc pero at least man lang labanan natin sila kahit mapisil lang natin kumbaga tularan natin ang langgam kagatin nating ang higanteng China...Ang naiisip ko nga alam kung masama dahil unethical ..cguro at least may palag tau in terms of cyberhäçking o baka maraming mad scientist na Pinoy gawa kaya sila ng Virus? haha biro lang
 
Hahahaha, Kayang kaya din yan ng Tsina mas marami at häçker dun. Buong mundo pa nga napahamak sa virus nila. 😂😂😂
 
[XX='lyke10, c: 1084678, m: 1456403'][/XX] kaya nga eh ang ibig kong sabihin kung kaya nila bat di natin bigyan din sila ng gawa natin hahaha...pasensya na paps alam kung mali mga sinasabi ko nakakainis lang kase ang sobrang pang.aapi sa atin at wala naman tayong magagawa
 
hindi kasi tayo ganun lods, mababait ang pinoy, hindi tayo gaya nila, ginagawa ng ally ang tsina eh pero ganun parin binubully parin tayo.😂😂😂
 
Wala.tayo magagawa niyan kabayan kundi tayo kawawa kung mangyari nga yung gyera nako mabilis pa naman akong mabaril sa PUBG at FreeFire kaya huminto na ako kaka laro.
 
hindi kasi tayo ganun lods, mababait ang pinoy, hindi tayo gaya nila, ginagawa ng ally ang tsina eh pero ganun parin binubully parin tayo.😂😂😂
hindi naman kase ganon kadali mag gain ng trust. Alam ng China simula palang na plastic ang pakikipagkaibigan ng Pinas sa kanila kumbaga sinakyan lang nila ito.
 
wala tayo magagawa kundi magdasal na magkaroon ng ultra typhoon or ultra mega earthquake sa lugar na yan, wala naman bayag ang gubyerno, puro ngawngaw lang,
 
Kabayan. Iniisip na ng government natin yan. Pero walang iBang paraan wala rin tayong sapat ng kagamitan para lumaban sa china. Kaya nga lagi lang file lang ng diplomatic protest. Kaso kahit paano atleast may nagawa tayo, masabi lang na may ginagawa ang government natin. Pero sa too lang wala ng paraan para labanan ang china. Ang china kaya tayo bully nyan kasi alam mila na wala tayong laban sa kanila. Asa lang naman tayon sa america, dahil sabi ng america, handa daw sila lumaban. Pero for me hindi din lalaban yan. Isipin mo nalang kung ikaw ang america ok Lang ba sayo may mamatay sa sandatahan mo ng hindi mo naman problem? Kahit pa kaalyaldo natin ang america hangang sabi lang yan at hangang papers lang yan. In real life, hindi sila handa na may mamatay na americano dahil lang sa pilipinas.
 
Napaka hina ng Presidente ng Pilipinas!!! Pinabayaan na ang teritoryo ng Pilipinas. Mahirap talaga kapag yung namumuno eh may karamdaman na. Napaka incompetent na. Kaya mina maliit tayo ng mga ibang bansa 😤
 
Napaka hina ng Presidente ng Pilipinas!!! Pinabayaan na ang teritoryo ng Pilipinas. Mahirap talaga kapag yung namumuno eh may karamdaman na. Napaka incompetent na. Kaya mina maliit tayo ng mga ibang bansa 😤
paglaban nga rin sa covid yun pa kaya? 😖 IDK kung may tinatago ang ating presidente kaya ayaw magsalita sa tsina? o kaya "paano yung mga bestfrend ko dun?"
 
baka wala na tayo magawa dyan, kasi nasa process pa lang ang China sa pag "Build Build Build" eh hindi na natin kaya lumaban, eh ano na lang kaya kung tapos na ang "Build Build Build" ng China 😑
 
wala tayo magagawa kundi magdasal na magkaroon ng ultra typhoon or ultra mega earthquake sa lugar na yan, wala naman bayag ang gubyerno, puro ngawngaw lang,
For me tol mahirap din sitwasyon ng gobyerno kung palagan natin ng bombahan ang China at kahit na tulungan pa tayo ng US wala rin saysay ang ending niyan wasak lahat kung hindi man mawasak ang mundo mismo. Kase ang China handa talaga makipagyera. Kung papalag ang Pinas talagang bobombahin tau ng mga intsik...
 
Yup isa pa din yan. Ginawa na syang business noong mga taong nakapaligid sa kanya. Lalo na yung may mga lahng intsik. Tulad na lang nung DITO kunwari pang gusto mapa bilis ang Internet sa Pinas eh kung di naman nya kampi sa kanya di yan papayag 🤦‍♂️
 
Hindi ako anti dds and dds pero para sakin wala sa presidente yung problema. Kasi kahit anong file ang ibagsak dyan hindi papansinin ng tsina yan. Kaya in the end magiging probinsya yung pilipinas at mag kakaroon ng racist(ba-baba tingin satin ng mga taga tsina)
 
[XX='copro14, c: 1085281, m: 258459'][/XX] sa tingin ko palpak parin ang DITO. dami na rin nag rereklamo bumagal na dito ahahaah. saka puro sinovac ang bagsac sa atin. asan na ang pfizer? astra? novavax? sputnik?
 
[XX='H1tsu, c: 1084697, m: 1788115'][/XX] don't paps para ka lang nyan nagpatay ng apoy gamit ang gasolina 🤣 hayaan mo na lang gobyerno natin ang kumilos kung ano ang tamang gawin para sa bagay na yan. hanggat maari alam ko iniiwasan din ni digong ang pweding mangyareng gyera, wag lang sana humantong sa punto na mapuno na si digong sa pang iipit sa kanya ng china, ibang usapan na yan, kung sakali man na matuloy yan magiging battle grounds talaga itong bansa natin, andyan yung america para maging backup natin pero hindi natin alam kung hanggang saan o kailan ang supporta na pwede nila maibigay para satin tandaan mo magastos ang makipag gyera kahit sinong bansa ay hindi makikipag sugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan at masusugatan ka lang, alam ng china yan kaya ganyan sila ka aggressive pag dating sa pag angkin sa spratlys island, 50/50 to sa america, hindi maaring makipag all out war ang america laban sa china para lang sa pilipinas promise 😅 kaya hanggat maari iniiwasan ni digong na mangyare yung bagay na yan, kaya naman tayong mga mamamayan ng pinas siguro ang tanging gawjn na lang natin isag obserba muna, wag gumawanng hakbang na lalo lang makakapag pasama sa sitwasyon, salamat,
 
Back
Top