What's new

Closed Chicken pox: nauuso na naman ngayong tag-init

Status
Not open for further replies.

ralphjd

Honorary Poster
Joined
Jan 13, 2017
Posts
365
Reaction
114
Points
194
Usong- uso nga ito ngayon dahil na rin siguro sa sobrang init. Natatakot na nga ako kasi di pa ako nakaka experience (Yung kapatid ko ngayon meron na siya huhuhu wag naman sana ako ang sunod)

Kaya sa mga may posibilidad na pwedeng mahawaan ng ganyan pacheck up na kayo. Oo alam ko may bayad magpa check up pero pwede namang sa generics pharmacy eh (Dito sa amin libre lang). Magbibigay kasi yan sila ng reseta ng gamot na Acyclovir. Di mo yun basta mabibili ng walang reseta kaya okay na ring macheck up ka at least makuha mo yung reseta at masure kung may chicken pox ka talaga. Oh dba nakasigurado ka na nakatipid pa.

Effective daw kasi tong Acyclovir 24 hours bago lumabas yung mga rashes. Syempre, base sa nabasa ko, kailangan daw naka mask yung merong chicken pox, sa laway daw kasi kumakapit eh at saka airborne yun kaya pagalitan nyo yung ayaw mag mask dyan. Sabihan niyo hindi naman para sa kanila eh para ibang tao yun.


Baka magtaka kayo di ko sinali ang vaccine. Sa mga napagtanungan ko dito sa amin, hindi na raw nagbibigay eh (Di ko lang alam sa ibang lugar). Kung ayaw nyo naman sundin toh at gsto niyo pang isahan na, magpahawa na lang kayo kung hindi naman kayo maabala :)

Yun lamang po. Maraming Salamat.
 
Uso nanaman talaga ang mga skin diseases dahil sa init. Kagagaling ko lang sa bungang araw. Di ka patutulugin sa kati. :)
 
Last edited by a moderator:
pano ba nagkakaroon ng ganun?? para maiiwas ko magka ganyan..buti dto wala pang ganyang sakit
Sa totoo lang paps di ko alam kung saan talaga toh nagmula. Ang alam ko kasi virus toh at makukuha toh sa mga meron na mismo. Malalaman mo na lang bigla naghahawaan na. Katakot talaga.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top