What's new

Closed Chapter 2 - kwentong Mobile legends parang S.A.O

Status
Not open for further replies.

Quantum Supercomputer

Eternal Poster
Joined
Dec 23, 2017
Posts
740
Reaction
250
Points
339
Age
23
Chapter 2 - Ang Barya -

"Balmond" Hingal na hingal na tinig, na mula sa taong pagod na nakayuko sa harapan ko ngayon, habang hinahabol ang kanyang hininga, Pero May kakaiba rito maliban sa pangalan ko ngayon, Inakala kong babae ang tumatawag sakin, Isa palang Lalaki, At may Napakatulis na espada, Hindi ko mapaliwanag ang itsura nya pero sa tingin ko, Isa syang Poging lalake pero bakit nakacosplay sya?... at mga ilang segundo nanumbalik ang pagkatakot ko sa lugar na kinakatayuan ko ngayon, "Teka, Anong Balmond? " Galit kong sinabi sa kanya, At dahan dahan syang Bumangon mula sa pagkayuko At Huminga sya ng malalim, at nagsalita "Reymond ako 'to..." Nangungumbinsing tono, "Si Shaira" At ngumiti na parang Nawalan ng tinik sa lalamunan "Ako yung kaibigan mo." Tila'y tumigil ang oras at kapaligiran, At muli akong nakapagsalita "Teka, Bakit Lalaki ka?" At Nagreply sya sakin "Oo, Napunta ako sa katawan ni Lancelot." Nagulat ulit ako, Kase parang pamilyar nga ang mukha nang nasa harapan ko, Si Lancelot pala.

Habang Nagkakamustahan kami, Napatanong ako sa kanya, dahil parang alam nya ang mga nangyayari, "Bakit Nasa Katawan ako ni Balmond?" Oo, Narealize kong, ako na pala si balmond ayon sa pagmumukha ko ngayon, Wala na Si Reymond... Tila'y Nilinis ni Shaira ang kanyang lalamunan para magsalita ulit "Ahemm..." At mabilis nyang ipinaliwanag "Kung sinong huling Character ang ginamit mo sa Mobile legends, yun ang magiging Katawan pagkapunta mo dito sa mundong ito" at biglang mas sumeryoso ang pagmumukha ni Shaira na nasa Mukha ni Lancelot, "Oo, Nandidito tayo mismo sa game, Ito na amg totoong buhay natin, simula ngayon." Pagkarinig ko ng mga salitang ito, Bumaliktad ng bumaliktad ang mga natatanaw ko sa pagkagulat at Habang Nililibot ng paningin ko ang Gubat na 'to, Mas lalo akong Nalulula sa pangyayaring nagaganap sakin ngayon. Napaupo ako sa lupa, Dinadamdam ko ang sitwasyon... Hindi ko mapigilang lumuha, kase iniisip kong maraming magbabago, Paano na ang dati kong buhay, mamamatay nalang ba ko dito? Nakatulala ako sa Ilog, maya't maya, Sinampal ako ni Shaira ng pagkalakas-lakas, Tumalsik ang mga luha ko palayo sa Malungkot kong mata, "Ano bang pinaggagawa mo?" at biglang Kinapkap ni Shaira ang bulsa ko, "Hoy, teka." Madali kong sinabi, Pero huli na ang lahat, "Meron ka palang pera dito." Tinignan ko ang kamay nya na may hawak na pera mula sa bulsa ko, At naalalang yun pala ang perang pambili ko sana ng toyo. "Ok na" Nakangiti nyang sinabi, at tumakbo palayo at sinabing "Salamat.". Hindi ko alam kung anong balak nya, pero wala na rin naman akong balak mabuhay kaya pinabayaan ko na sya, Malipas ang Kalahating Oras, Narinig ko ulit yung Nagaannounce na babae, "First Blood!" Nagising ako sa salitang yun, Kaya tumayo ako bigla, at Bumalik sa rasyonal kong sarili at kinausap ko ang sarili ko "Teka, First blood, Di ba yun yung kapag ikaw ang unang Kumill sa laro?" at Muli akong nag isip ng malalim " Oo nga pala nasa Mobile legends ako" Determinado kong sinabi at sinabihan ko ang sarili ko na "ANO KA BA, KALAKI-LAKI MONG HALIMAW, TAPOS UMIIYAK KA!?" , At Nagtaka ulit ako tungkol sa pera, Ano kayang ginawa ni Shaira sa Pambili ko ng Toyo?"

- To be Continued -
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top