What's new

Can someone comfort me?

NINJA64

Addict
Joined
Sep 2, 2020
Posts
114
Reaction
60
Points
95
Ngayon parang hindi ko parin na sisink-in ang mga natuklasan ko kanina, kasi nag cheat yung jowa ko. Hindi talaga ko yun in-eexpect kasi unang tingin mo na hindi siya hilig mag entertain ng mga tao kaya parang wala lang sa akin. Tuwing may problema siya, tinatawagan ko kaagad o chat at kilala na ako sa kaniyang parents na may go sign na ako. Nahuli ko siya kanina nung tumingin ako sa kanyang fb at may nag comment sa random niyang post. Nag stalk naman ako sa nag comment, nakita ko na palagi na sila nag mention sa isa't-isa at may callsign pa na "bb". Parang gumuho ang mundo ko at umiyak talaga ako isang buong oras dahil sa sakit at pagod sa trabaho.
Matagal na pala sila ganyan at tinatago lang pala niya sa akin, ang sakit dahil ang tiwala na binigay ko sa kaniya. Nag-ipon pa naman ako para maka road trip kami as surprise gift ko sa kanyang birthday. Pasensya na talaga sa gulo ng aking pamamahayag dito💔
Kahit man lang dasal ang tulong nyo sa akin para matapos na ang hinanakit sa problema na ito. Salamat po🙂
 
yung ipon mo paps, mag invest kana lang para sa future mo. mas masaya pa makahanap ng babaeng sasabayan ka sa pag yaman kesa sa ganyan mentalidad
 
Salamat sa advice paps! Nasaktan lang talaga ako kasi siya ang una babaeng pinakilala ko sa aking pamilya, ibigay ko nalang muna to sa aking nanay para mabayaran ko kahit man lang ang utang na sinasakripsyo niya sa akin
 
Hindi ko talaga to ineexpect na mangyayari pero nangyari nanga haha. Tama ka nga po tungkol sa pandemya, bigyan ko muna oras ang sarili ko at tulungan aking pamilya. Maraming salamat po sa oras!
 
[XX='NINJA64, c: 1366810, m: 1760795'][/XX] ok na din yan natuklasan mo paps, sign yan na hindi sya yung babae para sayo e roadtrip mo nalang mama mo paps, makabawi bawi ka
 
God is good talaga paps! Kahit minsan lang ako nakapagpunta sa simbahan dahil sa trabaho, binibigyan parin ako ng oras sa Panginoon para ma mulat sa reyalidad. Salamat sayo po at sa Panginoon! Godspeed!
 
Pag isipan ko tong mabuti bilang patuntunguhan ko sa aking mga pangarap hahahaha!
Hindi ko nga alam kung ano ang pinagkukulang ko sa kanya, kasing bilis ng kidlat ang pag bago sa aking buhay simula kahapon
 
Alam ko matatagalan bago mawala yung saket paps pero yan yung magpapa tibay sayo sa susunod na hamon ng iyong buhay, move forward kana paps sa next chapter ng buhay mo to be the best version of yourself 💪.
 
Step by step ko muna haharapin ang aking problema ngayon upang hindi maging negatibo. Takot man ako na magtiwala sa karamihan ng tao pero may tiwala ako sa Diyos na bigyan niya ako ng lakas para dito.
Salamat po mukhang makakatulog na ako dahil gumagaan na ang pakiramdan ko ngayon🙂
 
Isipin mo na lang TS na hindi mo kawalan kasi hindi naman ikaw ang nagloko. Maigi na rin na nalaman mo ngayon kesa bukas pa. charge to experience na lang. Pero wag matakot magmahal ulet. Mututo ka lang sa mga naranasan mo. Mas maigi pa din na magusap kayo muna tungkol dun para may closure. Baka kasi mali lang ang pagkakaintindi mo.hehe. Pero kung totoo nga umiwas ka na.
 
Ako nga nanood lang ako ng hello, love goodbye ayun ng goodbye narin dati kong jowa.

Pagsubok lang yan sa buhay mo paps, makaka move on karin.
 
Ngayon ko lang ulit naintindihan ang mga liriko sa mga sad songs, hirap tanggapin sa simula. Sana nga sa simula lang to mahirap at madali lang mag-aadjust.
Sqlamat po
 
Hindi ko po masasabi na fully confronted ko na dahil hindi po niya ako nirereplyan sa ngayon, pero sana naman malilinawagan ako sa kaniyang explanasyon kahit man lang.
 
[XX='NINJA64, c: 1366946, m: 1760795'][/XX]
Yes lodz, pero kung magmumukmok kalang para makinig ng mga sad song e hinde yan makakatulong maka move on sayo, bagkus lalo mo lang maaalala yung mga ngyare sa inyo, just focus kalang sa mga iba mong gawain na malilibang ka, in that case unti unti kang makakalimot... Oo minsan nakakarealize din yung mga payo sayo ng ibang tao, pero after hours, minutes, days, week, mag sisink in parin sa isipan mo yung lungkot at mahal na mahal mo parin sya.. kaya ikaw mismo ang makakatulong sa sarili mo lodz, ituon mo lang sarili mo sa ibang gawain na mag eenjoy ka.. dito sa post mo, taga bigay lang kami ng idea.


Ps: burahin mo na sa cp mo yung mga bagay ng magpapaalala ng x mo sayo,
 
Back
Top