What's new

Help Bumili ng Bahay o Mag Renta ?

dev-ace

Forum Expert
Elite
Gustong gusto na kase talaga namin magpagawa ng sariling bahay ( dream haws ) kasalukuyang pinag iipunan ko rin. Actually pwede ko na nga paumpisahan kahit yung foundation lg muna then dahan² ipa-polish / upgrade. Ngayon nakita ko yung news / article about kay Elon Musk na binenta nya yung dream house nya at nag rent nlg ng bahay at yung sobrang pera ay binalik nya sa kanyang puhunan at pinapaikot-ikot lang ( investing ) ngayon mejo napapaisip ako . Ikaw ba ano ba yung naging desisyon mo ?
 
May negosyo na po ba kayo?
wala po e pero madami akong gusto subukan hindi na rin ako bago sa pag nenegosyo , may small business ako IT services .

wala po e pero madami akong gusto subukan hindi na rin ako bago sa pag nenegosyo , may small business ako IT services .
at the same time gusto ko rin magkabahay na na decent yung pagising mo mas mamomotivate ka dahil iyo na
 
wala po e pero madami akong gusto subukan hindi na rin ako bago sa pag nenegosyo , may small business ako IT services .


at the same time gusto ko rin magkabahay na na decent yung pagising mo mas mamomotivate ka dahil iyo na
tama yan boss, bili ka ng bahay para may tirahan ka 😊. Si Elon natirahan na nya naman na siguro yung dreamhouse nya ng matagal heheh. 😄
 
Depende yun sa trip ng tao, ang alam ko pati kaya ayaw niya gawin yung dream house niya kasi it will take time daw. Baka para sakanya is, bat mo nga naman gagawin ang bagay na hindi mo naman ma apreciate agad sa buhay mo. Baka hindi siya family oriented. Kadalasan naman ng n
ag invest ng bahay is para sa maiiwan nila na wala ng iintindihin pag nawala sila. Kung ganuon ang trip mo at gusto mo may maiwan sa anak mo ok naman din. Tsaka tumataas naman ang value ng lote at bahay. Pero kung focus ka lang sa present mo pwde din mangupahan ka na lang at gawin ang mga gusto mo.
 
Ganun kasi yung mga businessman boss, yung pera yung nagtatrabaho sa kanila hindi yung ikaw ang magtatrabaho para sa pera.

May mga business sila, pero simple lang ang pananamit at tirahan. Yan ang mga common sa mga malalaking businessman.
 
Last edited:
ano ba status mo ngayon? nakikitira or nagrerent? much better na buuin mo yung ipapagawa mo na bahay kahit wala pa finishing para kahit papano deretcho lang. magpagawa ka nalang kesa bumili tip ko lang sayo
 
rich people tend to iwan mga bahay nila in the end so better rent for temporary house,

iwas din sa other fees yung renting,

maintaining a lower net worth in your SALN can help on special cases
 
short term - rent
long term - bahay

ako currently kumuha na ng sarili kong bahay, tas napili kong lugar ay walking distance lang din sa trabaho, pero dati nagrerent lang ako dahil ayaw ko talaga nagcocommute, halos 1/3 ng araw ko dun nauubos,
 
Depende sa sitwasyon mo 'yan palagay ko. Kung tingin mong mas malaki kikitain ng ipon mo kung ilagay mo sa investments o negosyo kaysa sa binabayad mo sa renta ng bahay, go ka na sa negosyo. Iyon nga lang may risks yung negosyo o investments at hindi ka rin magkaka-ROI agad so timbangin mo rin.

Kung single at bata ka at hindi naman ikaw breadwinner ng family ninyo, maganda mag-business ka na kasi may time ka pa makabawi in case hindi kumita ang negosyo. Kung may pamilya ka naman na at ikaw breadwinner, 'di na rin masama kung bahay at lupa na bilhin mo kasi safe na may matitirhan na kayo kahit anong mangyari at tumataas din value ng real estate in the long run.

So ayun ikaw talaga mag-decide depende sa sitwasyon mo at sa confidence at risk assessment mo sa business o investments.
 
Salamat mga boss . Nai-open ko na ito sa Fam ko and currently nag iinquire² na muna kami. I think good talaga mag invest sa sariling bahay dito sa Pinas kase hindi lg tumataas yung value kundi importante din para mabawasan yung monthly rental at di rin naman sguro masama bumuo / bumili ng sariling bahay para may bunga rin yung sakripisyo mo hindi lg mapunta sa luho 😁 .
 
Back
Top