What's new

Closed Bios loop after brownout

Status
Not open for further replies.

camillegcastro

Honorary Poster
Guys pwede po ba magpatulong kung paano ko maayos yung problem ko. Nag brownout po kasi kahapon sa amin ng mabilis lang habang nakaon yung pc tas bumalik din agad yung kuryente parang seconds lang tapos since bumalik agad kuryente nag on din yung pc ng kusa tapos pagka on nag enter sa BIOS. Tinry ko po exit without saving tas inoff ko yung pc. Pagka on ko sa bios pa din po nagpupunta.

Pag nagpunta po ako sa boot option priorities hindi nadedetect yung ssd at hdd ko pero nung tinry ko po magsaksak ng flash drive nadedetect na ssd at hdd ko. Ginawa kong boot option 1 yung ssd ko non tas sinave and exit ko tapos ang nangyari nag enter sa gigabyte screen (yung pag ioopen) tas nagblack screen nalang. Inoff ko ulit tas inon then spam del para makaenter ulit sa bios tas bumalik lang po sa dati hindi na po ulit madetect yung ssd at hdd ko. Tinry ko po yung method na ibboot yung backup bios yung long press sa power on button hanggang mag off yung led lights tas press on ulit tapos nadetect na yung ssd at hdd ko kahit walang flash drive. Nung ginawa kong boot option 1 yung ssd tas sinave and exit ko nagrestart na tas sa bios pa din nagpupunta tas di nanaman madetect yung ssd hdd ko pero pag nagpupunta ako sa easy mode nakikita ko naman yung ssd hdd.

Hindi madetect sa boot option priorities yung hard drives ko pero nadedetect sa BIOS na nakainstall.
Tinry ko din po tanggalin yung cables ng ssd hdd tas ibalik sa dati pero wala pa rin po nangyari ganun pa din.

Sana po matulungan niyo ako paano maayos kasi nandon po lahat ng important files ko na kailangan ipasa sa school. Thank you po.

20200519_031609.jpg
20200519_031505.jpg
20200518_205620.jpg
20200518_205844.jpg
 
Attachments

Subukan mo tanggalin ang CMOS Battery for 5 minutes, tapos ibalik mo ulit.
Normally, mas maganda sana kung discharged ang kuryente ng buong Board.
Kaya lang kailangan mo tanggalin lahat ng nakakabit sa Board at maghintay ng 24 hours.

Ano pong effect kapag tinanggal lahat ng nakakabit sa motherboard? Hindi po kasi ako maalam dito kaya as much as possible di ko po ginagalaw motherboard kasi baka masira ko. Ano po ba yung may sira? Nacorrupt po ba BIOS ko or yung Windows OS. Nag aask po kasi ako sa iba tas ngayon lang daw po nila naencounter yung di madetect yung ssd hdd pero narread na nakainstall.
 
Normally, kapag nawalan ng kuryente tapos bigla bumalik, nagkakaroon ng Power Surge. Kapag may Power Surge, ang voltage tumataas. Ang resulta, damage sa component. Ibig sabihin, hindi lang BIOS o Windows ang pwede masira, pati Hardware (PSU, Board, CPU, GPU, RAM, HDD/SSD, etc.) pwede masira. Minsan nagagawan ng paraan sa pamamagitan ng pagdiskarga ng kuryente (katulad ng binanggit ko sa taas).
 
Last edited:

yung CMOS battery pag tinanggal mo yan ma rereset talaga bios yan kasi ang kuryente ng system unit mo pag nakapatay computer mo
 
Subukan mo tanggalin ang CMOS Battery for 5 minutes, tapos ibalik mo ulit.
Normally, mas maganda sana kung discharged ang kuryente ng buong Board.
Kaya lang kailangan mo tanggalin lahat ng nakakabit sa Board at maghintay ng 24 hours.

Boss update ko lang so tinry ko ayusin pc kanina. Hinanap ko po yung battery nakita ko pero nakatago po naharangan ng graphics card ko. Ayaw ko po galawin kasi baka masira ko motherboard di po ako maalam masyado so i tried the other option to reset BIOS which is ijumper yung CLR CMOS. Pagkarestart nareset ko na BIOS pero ganon pa din po kahit iload optimize defaults ko hindi pa rin madetect hard drives ko sa boot option priorities tapos ngayon kahit magsaksak na ako ng flash drive hindi pa rin madetect. Sa easy mode lang nadedetect yung mga hard drives ko tas tinry ko na iboot option 1 yung ssd ko pero bios loop pa din.

Napansin ko naman po yung cable ng cpu ko sa likod mej maluwang konting galaw lang nawawala na yung power natry ko kanina ion tas nagoff ulit. Pero since steady lang naman po yung cpu ko non hindi naman po nagagalaw or biglang nawawala yung power source nag aalala lang ako na mej maluwang. Hindi ko po sure kung may kinalaman nakwento ko lang po kasi baka makasira din ng pc kapag nagagalaw.

Ano po kayang problema bakit po bios loop pa din?
 
Ang sabi ko nga Power Surge.
Normally, kapag nawalan ng kuryente tapos bigla bumalik, nagkakaroon ng Power Surge. Kapag may Power Surge, ang voltage tumataas. Ang resulta, damage sa component. Ibig sabihin, hindi lang BIOS o Windows ang pwede masira, pati Hardware (PSU, Board, CPU, GPU, RAM, HDD/SSD, etc.) pwede masira. Minsan nagagawan ng paraan sa pamamagitan ng pagdiskarga ng kuryente (katulad ng binanggit ko sa taas).
Since ayaw mo naman pakialaman ang PC mo, dalhin mo na lang sa Technician.
Boss update ko lang so tinry ko ayusin pc kanina. Hinanap ko po yung battery nakita ko pero nakatago po naharangan ng graphics card ko. Ayaw ko po galawin kasi baka masira ko motherboard di po ako maalam masyado so i tried the other option to reset BIOS which is ijumper yung CLR CMOS. Pagkarestart nareset ko na BIOS pero ganon pa din po kahit iload optimize defaults ko hindi pa rin madetect hard drives ko sa boot option priorities tapos ngayon kahit magsaksak na ako ng flash drive hindi pa rin madetect. Sa easy mode lang nadedetect yung mga hard drives ko tas tinry ko na iboot option 1 yung ssd ko pero bios loop pa din.

Napansin ko naman po yung cable ng cpu ko sa likod mej maluwang konting galaw lang nawawala na yung power natry ko kanina ion tas nagoff ulit. Pero since steady lang naman po yung cpu ko non hindi naman po nagagalaw or biglang nawawala yung power source nag aalala lang ako na mej maluwang. Hindi ko po sure kung may kinalaman nakwento ko lang po kasi baka makasira din ng pc kapag nagagalaw.

Ano po kayang problema bakit po bios loop pa din?
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top