What's new

Closed Binance Trading, Paano nga ba? ( Part 2 )

Status
Not open for further replies.

PHC_Taong-BATO

꧁ ⭐⭐🏆⭐⭐ ꧂ 🅰🅽🅶 🅰🅻🅰🅼🅰🆃 🅽🅶 🆂🅰🅶🅸🅽🅶
Joined
Mar 25, 2015
Posts
10,507
Reaction
13,507
Points
3,897
1571919130927.png

Kailangan nyo gumawa ng account sa Binance, oras na naka gawa kana ng account mo sa Binance, napaka importanteng i-enable ninyo ang 2FA (2 Factor Authentication). Ang gawain nito ay para maka iwas sa mga häçker.
Dalawang 2FA ang pwede ninyong gamitin, una ay ang ‘Google Authentication’ na kelangan ninyong i-download sa IOS or Android phone, at ang pangalawa ay ‘SMS Authentication’, pro hindi ito ang ating gagamitin sapagkat hindi suportado ni Binance ang ating bansa para ma enable ito.
Kelangan ninyo lagyan ng funds ang Binance account ninyo, mamili lamang sa dalawang digital currency, Bitcoin (BTC) o Etherium(ETH). Para magawa ito kelangan nyo ng coins.ph wallet, bumili ng Bitcoin (BTC) o Etherium(ETH) at ipadala sa Binance.
Gamitin po natin si Bitcoin (BTC) bilang halimbawa, ito po kasi ang aking currency at dito po ako kumikita ngayun. Si Bitcoin (BTC) po kasi ay maraming coin pairs na pwedeng pag pilian para makapag trade. Ang imahe sa baba ay ang coin pairs ng BTC.
1571919194412.png

Kung malaki ang perang pinasok mo sa funds mo, marami kang mabibiling coin pairs, pro kung maliit lamang ang iyong funds, konti lang ang mabibili mong coin pairs. May mga coin pairs na malaki ang halaga na hindi kaya ng budjet. Meron naman ding mga murang coin pairs na pwede ninyong i-trade.

Advise ko lang na pumili lamang ng active na coin pairs na kayang bilhin, kapag naka pili kana, ang imahe sa baba ang makikita mo. ONT/BTC ang coin pairs na pinili ko at ang halaga nito ay nasa $4 dollars o nag kaka halaga ng 200 pesos per ONT. Ang nakikita nyong nyong madaming sticks na kulay Green at Red ay tinatawag na candle sticks. At ang nakikita nyong candle sticks ay nasa 5 mins trading.
1571919220047.png

Yung box naman na makikita nyo sa baba ng candle sticks dun ka mag lalagay ng amount kung mag kano ang bibilin mo (BUY) o ibebenta mo (SELL). Dahil wala pa tayong ONT/BTC, kelangan natin bumili nito, dipende kung mag kanong halaga ang gusto mo bilihin. Halimbawa binili mo sya sa kanyang halaga na $4.21 at sa limang minuto na hintay mo, bigla syang tumaas sa $5, i suggest na ibenta mo na ito o (SELL) para makuha mo yung kita mo na $0.79. Kumita kana ng almost $1 dollar sa 5 minuto mong trading. Ganun lang po kadali mag trade. Ano ba yung 25%, 50%, 75%, at 100% na nakikita sa baba ng Amount?

Halimbawa yung nakikita nyong percent ‘%’ sa BUY, ito yung percent ng BTC amount mo sa funds, na kapag pinili mo yung 25% automatic nyang ilalagay ang 25% na amount ng BTC fund mo (e.g 0.0100 BTC ang 25% nya ay = 0.0025 BTC) . Sa percent ‘%’ naman ng SELL ito naman angpercent ng coin pairs na binili mo (e.g ONT/BTC), kung mag kano ang gusto mong ibenta sa coin pairs mo na ONT/BTC para ma convert ulet ito sa BTC.

Meron tayong tinatawag na Technical Analysist para mag basa ng candle sticks. Tignan ang imahe sa baba, isa syang Technical Analysist expert ng ONT/BTC, at marami ding tools na ginagamit upang makita kung dapat bang mag trade sa coin pairs. Hindi kasi basta basta ang pag bibili ng coin pairs kelangan mo rin matutong mag basa ng candle sticks. Posible ba akong maluge?
1571919355968.png

Uu, posible kang maluge kung yung paper loss mo, binenta (SELL) mo agad, kasi paluge na. Ano ba ang paper loss?

Ang ibig sabihin nito, lahat ng binili mo na coin pairs ay papasok sa digital bag o paper. Tignan ang imahe sa baba. Mapapansin na lahat ng naka pula ay mga negative coin pairs na binili ko, ibig sabhin paper LOSS o luge na sa presyo nang ito ay binili ko. No. 1 rule sa trading ay be patient, matutong mag hintay sapagkat lahat ng naka pula ay maari pang tumaas ulet, hindi mo nga lang alam kung kelan. Wag na wag mong ibebenta (SELL) ang mga paper loss mo, sapagkat tuluyan nang mababawasan ang pera mo. Hinatyin mong tumaas o maging GREEN saka mo ito ibenta (SELL).
1571919373792.png


//> Buy Low, Sell High <\\
 

Attachments

Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top