What's new

Closed Best Heroes para sa Solo players

Status
Not open for further replies.

crossome

Honorary Poster
Established
Joined
Feb 1, 2017
Posts
643
Reaction
118
Points
215
Age
32
yow kamusta mga kaPhC. ml players.
marami akong nababasa dito na hirapan sa pagpaparank ng solo.

1. una kasi icoconsider nyo ung HERO PICKING.
Wag lang kau basta basta pick ng hero na gusto nyo.
matuto MAG ADJUST kasi di lahat ng oras papabor sau ung hero na gustong gusto mo. importante sa laro ung pinag aaralan mo ung lahat ng hero at counter pick ng hero mo.

2. KNOW YOUR HERO.
oo favorite mo hero na lagi mong ginagamit. pero gets mo ba kung pano ba tamang combo don? malamang ang sagot mo, oo. pero ung passive ba ng hero mo, alam mo ba? gamay na gamay mo ba? pwedeng oo, pwedeng mejo at pwedeng hindi kasi ngaun ko lang nalaman yan.
yan ang pag uusapan natin. kada hero may kanya kanyang lakas at special ability/skills, lalo na ung passive skills.
kapag inintindi nyo ng mabuti ung passive ng hero nyo mas magegets nyo kung pano un isasabay sa combo ng 1st, 2nd at 3rd/ulti skills nyo.

3.COUNTER HERO PICK.
minsan mapapansin mo kapag nasa epic pataas na rank mo kahit anong galing mo na sa hero mo natatalo ka pa rin. isang dahilan don ung counter hero pick ng kalaban mo sa hero line up nyo.
importante na malaman mo kung sino ung kahinaan ng hero na gamit mo at kung kanino sya epektibo o malakas.

4.DECISION MAKING.
hindi ka basta bastang pindot nalang at atake sa kalaban.
Minsan sa sobrang atat mo makakill eh ikaw pa nauunang mapatay kesa ikaw ung makapatay ng kalaban.
factor din to kung bakit d ka maka alis sa rank mo ngaun. dagdag bawas stars mo.
kapag tama ung desisyon mo kung kelan dapat palagan ung kalaban at may resbak kang kakampi kahit 1 o 2 magiging maganda ung resulta ng gagawin nyo. pero kapag alam mong alanganin at pumasok ka mag isa . tagilid ang plano mo.
Timing ang kelangan mo.

5.STRATEGY
para sakin my ito ung nagpapanalo ng kada laban.
para san ba tong larong to?
simple lang, ito ung larong kelangan mo gamitan ng diskarte/talino/galing.

may 5 hero kada team. may tig- 3 tore kada lane at 1 core tower/ ung mismong base.

may mga klase ng diskarte na ginagamit ng pro sa laro, 3 hero mid lane o minsan 4 hero mid lane sa 1min ng laro. pagka clear ng minion wave sa mid sabay invade sa jungle ng kalaban tapos babalik sa lane kapag nakuha ung objective.

may iba naman na kapag nag kaclash ung ka team eh focus sa tower push. importante to kasi d agad makakaresponde ung kalaban sa pag depensa ng tore nila kasi nagkaclash sila. isa to sa diskarte kung bakit minsan talo ng madiskarte ung magaling .

ubusan kasi ng tore tong game na to. once na maubos mo tore ng kalaban o kaya mabawasan nyo paunti unti, nag bibigay un ng pressure sa kalaban nyo para depensahan ung lane nila at humiwalay sa kasama nila. kapag nangyari un pwede nyong samantalahin na igank ung magdedepensa ng lane na nasira sakanila o kaya ipush ung ibang lane na mahina ung nagdedepensa.

kapag may mga gusto pa kayong malaman, comment lang kayo baka makatulong pako sa pag improve nyo.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top